Regine pinipirata ng Dos para gawing host ng The Voice, ASAP? | Bandera

Regine pinipirata ng Dos para gawing host ng The Voice, ASAP?

Alex Brosas |March 30,2015
facebook
share this

Regine pinipirata ng Dos para gawing host ng The Voice, ASAP?

Alex Brosas - March 30, 2015 - 02:00 AM

regine velasquez

Talk about switching network, isa pang natsitsismis na lilipat na rin daw ay itong si Regine Velasquez.

Naloka kami sa isang chika sa isang Facebook fan page na identified sa Kapuso dahil detalyado ang sinasabing balak na paglipat daw ng Songbird sa Dos.

Na-screen grab ang isang Facebook account kung saan sinabi ng owner na meron siyang friend na nagtatrabaho sa ABS-CBN na nagsabi sa kanyang tatapusin lang ni Regine ang isang soap opera sa Kapuso network bago ito lumipat sa Kapamilya station.

Ang chika pa niya, gagawin daw host ng The Voice si Regine at tsutsugihin na si Toni Gonzaga, isasama rin sa ASAP at bibigyan pa ng Sunday show after TV Patrol weekend.

Mukhang imposible namang mangyari ito, ‘no. Kung noon nga ay hindi matuloy-tuloy ang paglipat ni Regine ngayon pa kaya? Actually, noon pa natsitsismis na lilipat ang Songbird sa Dos pero nagkaroon ng bulilyaso.

Nagpaalam na nga siya sa mga kasamahan niya sa SOP pero napalpak ang kanyang paglipat kaya we doubt kung matutuloy iyon ngayon.Anyway, marami ang naniniwalang hindi true ang chikang lilipat na ang Songbird sa Dos.

“Hahhahhaha talaga lang ha..imagination ano yan kung lilipat paalisin na mga judge sa the voice?di kaya insulto unsa mga judge nila…haayyyy gawa gawa ng kwento si ate,” say ng isang fan ni Regine.

“Not true.. isa sa mga judges c regine sa darating na starstruck!! tpos my sarap diva pa xa,” chika naman ng isa pa.
“Kung totoo man yan only Regines knows.

I’m not sure kung maniniwala ako sa sinasabi nyang mag host The Voice kase she is more good to be one of the judges and not a host.

Secondly if I’m not mistaken Regine is still suffering from Acid Reflux which is not good for her to sing like what before so Musical show? Last i heard the news before that Regine wants more time with

Nate that’s why she can’t do SAS every Sunday instead every other Sundays so ASAPa sila?” one fan said which makes sense, ha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending