Horoscope, March 30, 2015 | Bandera

Horoscope, March 30, 2015

Madam Sophia |March 30,2015
facebook
share this

Horoscope, March 30, 2015

Madam Sophia - March 30, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes Santo na! Simulan ang araw sa pagpepenetensya. Imbis na maghanda ng marami, konting handa na lang, at ang perang malilikom, itulong sa mga taong higit na nangangailangan. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ni Lord, sa susunod na mga araw mas maraming biyaya at suwerte ang darating. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magmadali sapagka kapag laging tinatapos agad ang mga gawain, mas malaking salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag ng umarte-arte pa, baka lumipas ang tumitinding pagnanasa ng kasuyo, pagbigyan mo na. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jiva-Gosvami-Om.” Lilac at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wala ka ng magagawa kung pinagkalooban ka ng kasuyong hindi masinop sa salapi. Ikaw ang dapat magsimulang magsinop ng inyong kabuhayan upang kayo ay umunlad at yumaman. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung uunahin ang sariling kapakanan, kaysa ang kapakanan ng iba, mas mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, mahalin ng husto ang kasuyong Sagittarius bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 5, 12, 27, 33, 31 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Gray at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon na ang pinaka-magandang pagkakataon upang sumugod. Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang masungkit ang isang matamis at masarap na romansa. Sa pinansyal, wag matakot sumugal sa isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 2, 16, 18, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Umali-Om.” Lilac at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Upang suwertehin at lalo pang gumanda ang kapalaran ugaliing gumamit at magsuot ng golden yellow. Sa nasabing kulay, dagdag na salapi at masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Sukadeva-Mantra-Om.” Bukod sa golden yellow mapalad din ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22)—Upang umunlad at lumigaya, ikilos at isagawa ang iyong mga pangarap. Malaki ang maitutulong ng kasuyong Capricorn upang magma-materialize ang lahat ng bagay. Mapalad ang 8, 11, 20, 29, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Purana-Om.” Silver at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag ibuhos ang panahon sa pagtulong sa iba, sa halip, paglaanan ang sariling pamilya. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang palpak na ginagawa ng kasuyong Aquarius, darating ang panahong magbabago din siya. Mapalad ang 2, 9, 21, 30, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Githa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag mahirati sa bahay lang at sa iisang lugar. Sa isang paglalakbay, maraming mga oportyunidad ng pagkakakitaan ang madidiskubre. Sa pag-ibig, sa malayong lugar mami-meet ang iyong true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Factum-Miraculum.” Beige at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang pasya mong lumayo muna sa kasalukuyang kapaligiran. Sa pagbabakasyon sa malayong lugar mas madaling malulutas ang iyong mga problema. Sa pag-ibig, dapat mong ma-realize na hindi ka mabubuhay ng wala ang kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Bhuvah-Om.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mas mainam na ang nagpapakumbaba, kaysa lagi ka na lang dominante. Sa ganyang paraan, higit kang mapapamahal sa iyong kasuyo. Sa pinansyal, habang nagpapakumbaba kusang lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 19, 22, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Yellow at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Tama ang nabubuong kongklusyon sa iyong isipan, kung hindi sinunod ang payo ng iba, maligaya ka sana ngayon. Hindi pa huli upang magbago, sa susunod na desisyon, sundin ang tibok ng puso upang lumigaya. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Rama-Om.” Black at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mag-apura, ang pagyaman ay hindi nakukuha sa pagmamadali. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong Aquarius na wala namang dagdag na pag-unlad at saya na naidudulot sa iyong buhay. Maghanap ng mayamang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vai-Dosya-Nhava-Om.” White at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending