Betong ginagawang 'charger' ang puntod ng ama | Bandera

Betong ginagawang ‘charger’ ang puntod ng ama

Ervin Santiago |March 30,2015
facebook
share this

Betong ginagawang ‘charger’ ang puntod ng ama

Ervin Santiago - March 30, 2015 - 02:00 AM

betong sumaya
Subsob man sa trabaho, masayang-masaya naman si Betong Sumaya sa blessings na natatanggap niya. Bukod sa Bubble Gang, Once Upon A Kiss at Sunday All Stars, ay mayroon pa siyang bagong programa, ang Sabado-badoo.

Kasama niya rito ang kanyang ka-laughteam na si Sef Cadayona at mapapanuod ito tuwing Sabado bago mag Pepito Manaloto.
Bilang napaka-busy ng Kapuso comedian ngayon, tinanong namin siya kung ano ang plano niya ngayong Holy Week para makapag-relax. “Umuuwi kami sa Liliw, Laguna.

‘Yun ang probinsya ko sa father side,” kwento ni Betong.Dagdag niya pa, nais niya sanang makabisita sa kanyang mga kamag-anak at sa puntod na rin ng kanyang ama para mas lalo pa siyang ma-energize at maging inspired sa pagtratrabaho nang mabuti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending