Piolo: Hindi kami nagkabalikan ni KC, pero OK na kami! | Bandera

Piolo: Hindi kami nagkabalikan ni KC, pero OK na kami!

Ervin Santiago |March 30,2015
facebook
share this

Piolo: Hindi kami nagkabalikan ni KC, pero OK na kami!

Ervin Santiago - March 30, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

Mariing itinanggi ni Piolo Pascual na nagkabalikan sila ni KC Concepcion. Pero inamin ng Kapamilya actor na nagkaayos na sila ng aktres at natutuwa siya dahil para siyang nabunutan ng tinik sa muli nilang pagkikita ng dating karelasyon.

Kamakailan ay nabalita ngang nagbatian at nagbeso sa backstage ng ASAP ang dalawa, pagkatapos nito ay nagsalita si PJ na maayos na ang anumang gusot sa pagitan nila ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Nauna rito, nagpadala rin si Piolo ng bulaklak sa lamay ng lola ni KC na si Mrs. Elaine Cuneta.Ayon kay Piolo, walang balikang naganap sa kanila ni KC, ito’y sa gitna nga ng isyu ng paghihiwalay nina KC at Paulo Avelino.

Sa isang interview sinabi nga ni Piolo na, “Kristina and I are okay. (It was) just a thorn off my chest, okey na yun.” Tungkol naman sa kuwentong binigyan niya ng bulaklak ang ex-GF, “Hindi, no, I had that flower, the rose, pero dala ko siya hanggang umuwi ako, so I never gave it to anyone.

Wala, wala, I had the rose with me the whole time. Narinig ko rin yun pero hindi naman. Kinain ko yung bulaklak. He-hehehe!”
At tulad ni Sharon, okay din daw kay Piolo na magkatrabaho sila ng mommy ni KC, ngayong bumalik na ito sa ABS-CBN.

Kung matatandaan, nagkaroon ng issue sa pagitan ng dalawa nu’ng patulan ni Mega ang mga fans ni Piolo na namba-bash sa kanya. “Of course, of course, napakaliiit naman ng mundo natin sa industriya para pasikipin natin.

I’m very open, I welcome that, siyempre she’s the Megastar. Di pa kami nagkikita. Actually, last week she was here, I wanna greet her, kaso she was in the other building and I wanted to leave na for a flight.

When there’s a chance I’ll visit her,” sey pa ni Papa P sa nasabing interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending