Ate Guy hindi interesado sa pera ni Kris, matindi ang galit kay Noynoy | Bandera

Ate Guy hindi interesado sa pera ni Kris, matindi ang galit kay Noynoy

Cristy Fermin |March 29,2015
facebook
share this

Ate Guy hindi interesado sa pera ni Kris, matindi ang galit kay Noynoy

Cristy Fermin - March 29, 2015 - 02:00 AM

nora aunor
Ayaw talagang patulan ni Kris Aquino ang mga pinagsasasabi ng kampo ni Nora Aunor. Ilang kasamahan na naming manunulat ang sumisingit ng tanong sa aktres-TV host tungkol sa ginawang pagsigaw ng Superstar para mapababa sa puwesto ang kanyang kuyang pangulo pero deadma lang siya.

Binabago niya ang paksa, ibang topic na lang ang binabalingan niya, talagang dedmabels lang si Kris pagdating kay Nora Aunor. ‘Yun ang dahilan kung bakit nagagalit sa kanya ang mga tagasuporta ng premyadong aktres

.Isang source ang nagkuwento sa amin na kaya ginawa ni Nora ang pagkontra sa pangulo ay dahil wala naman talaga itong planong tanggapin ang iniaalok na pamasahe ni Kris papuntang Boston para sa kanyang operasyon sa lalamunan.

Sabi ng aming kausap, “Thanks, but no thanks. Wala siyang intensiyong kunin ang pambili ng airfare na in-offer sa kanya ni Kris. Talagang hindi niya ‘yun tatanggapin, kaya nga nu’ng kausapin siya ng mga taga-Migrante, sumama agad siya sa rally,” komento ng aming impormante.

Sobrang nasaktan daw kasi ang Superstar sa mga binitiwang paghusga sa kanya ni P-Noy nu’ng pinag-aargumentuhan kung dapat ba itong parangalan bilang National Artist o hindi.

“Hindi pa nakakalimutan ni Guy ‘yun, tawagin ka ba namang adik, ganu’n na lang ba naman ‘yun?” nakairap pang komento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending