Heart may ‘gimik’ para di agad mabuntis ni Chiz | Bandera

Heart may ‘gimik’ para di agad mabuntis ni Chiz

Ambet Nabus |March 29,2015
facebook
share this

Heart may ‘gimik’ para di agad mabuntis ni Chiz

Ambet Nabus - March 29, 2015 - 02:00 AM

heart evangelista
“I’d rather be called the simple housewife and a woman,” sagot naman ni Heart Evangelista sa tanong namin kung ano ang preferred name na gusto niyang i-address sa kanya ngayong Mrs. Chiz Escudero na siya?

Wala naman daw malaking ipinagbago sa takbo ng relasyon nila ng senador bukod sa little discoveries sa isa’t isa – pareho pala silang homebodies at mahilig magluto at magkutkot ng kung anu-ano sa bahay nila.

Larawan nga ng maligaya at very contented wife si Heart nang makausap namin sa opening ng Tetsu Cheesecake shop sa Megamall noong Huwebes ng hapon.

Dahil daw sa hilig niya sa pagkain partikular sa cheesecake kung bakit madali siyang nakumbinsi na i-endorse ang naturang cheesecake store na soon ay plano rin niyang gawing negosyo. “And siyempre ‘yung association nito kay Chiz, di ba?” ang natatawa pa nitong hirit.

Bilang aktres, nakatakda siyang gumawa ng teleserye this year for GMA 7 pa rin at baka raw isang movie na last year pa sa kanya inialok.

Wala pa silang plano na magka-anak ni Chiz this year. Sa katunayan nga raw ay nagku-contraceptive siya dahil by 2016 pa nila planong magkaroon ng baby.

“I’m enjoying my life as a wife and as a friend and stepmother to his children. By the time na ready na akong maging mother to our own child, talagang masasabi kong ‘yun na ‘yun,” sey pa ni Heart na mas lalong gumanda ngayon. kay ____ (kilalang aktres),” bonggang tsika sa amin ng aming kausap.

Kaya nga raw abangan natin mga Ka-BANDERA ang mga susunod na kabanata dahil may mga kasunod pang matitinding intimate moments ang pumalit na hunk actor sa kilalang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending