Vice ayaw isama ang dyowa sa US: Magpapadala na lang ako! | Bandera

Vice ayaw isama ang dyowa sa US: Magpapadala na lang ako!

Ambet Nabus |March 29,2015
facebook
share this

Vice ayaw isama ang dyowa sa US: Magpapadala na lang ako!

Ambet Nabus - March 29, 2015 - 02:00 AM

vice ganda
TAHASANG sinabi ni Vice Ganda na kung sino man ang nagsabing kaya siya nagpa-presscon ng maaga for his May 22 concert sa Araneta Coliseum ay dahil natatakot siya sa balitang malakas ang bentahan ng ticket sa upcoming concert ni Alex Gonzaga na magaganap din sa Big Dome next month.

“Malaking kahunghangan naman iyan. Lagi kong sinasabi na mahal ko si Alex at supportive ako diyan. Kung may ganu’ng isyu, hindi ko na siya dapat pang iniimbitahan sa mga shows ko na mag-guest at i-promote ang concert niya,” bahagi ng paliwanag ni Vice na after two years nga ay muling tutuntong sa stage ng Araneta for his next major concert.

“Vice Gandang-Ganda sa Sarili, Eh Di Wow” ang title ng kanyang show, aniya, kaya raw maagang nagpa-presscon ang producers niya ay dahil nga nakatakda siyang umalis for a series of shows abroad.

“Pupunta akong US para sa series of concerts doon at siyempre gusto ko naman pag-alis ko ay may ganito tayo (presscon) para magkausap ng mga bagay-bagay na lalamanin ng show ko na sisiguraduhin naman naming maraming bago at kakaiba,” hirit pa ni Vice.

Ayon naman sa nakalap naming tsika, sa unang oras na inianunsyo ang concert ni Vice sa publiko at nagbukas ng ticket selling ay agad na nakapagbenta ang Araneta Ticketnet ng P750,000 worth of tickets.

Kung hindi man ‘yun indikasyon ng lakas ni Vice sa box-office, eh ano pa daw ba ang tawag du’n? Siya pa ba ang matatakot sa concert ni Alex Gonzaga?

Samantala, kinumpirma ni Vice na may lovelife na siya uli ngayon, pero as usual, ayaw pa rin niya itong pangalanan “for security reasons”.

Natawa na lang kami nang tanungin siya kung kasama ang guy sa pagpunta niya sa Amerika, hindi raw. “Trabaho ‘yung punta ko du’n, so ano, magpapadala na lang ako (ng pera! Ha-hahaha!” sabi ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending