Gerald: Kami pa rin ni Maja, hindi po kami naghiwalay! | Bandera

Gerald: Kami pa rin ni Maja, hindi po kami naghiwalay!

Ervin Santiago |March 29,2015
facebook
share this

Gerald: Kami pa rin ni Maja, hindi po kami naghiwalay!

Ervin Santiago - March 29, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson
Mariing itinanggi ni Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Maja Salvador. Usap-usapan kasi ngayon ang tsismis na nagkaroon sila ng matinding away ng Kapamilya actress na nauwi nga raw sa break-up.

Sa isang interview, sinabi ng aktor na maayos ang relasyon nila ngayon ni Maja, hindi na raw bago sa kanya ang mga ganitong chika kaya nasanay na rin sila ng kanyang girlfriend.

Masaya raw ang samahan nila ngayon ng aktres at ine-enjoy lang kung anong meron sila. Siniguro rin daw nila na mabigyan ng quality time ang isa’t isa kahit na super busy sila sa trabaho.

Hindi rin daw nila pinag-aawayan ni Maja ang oras dahil alam naman nila kung ano ang kanilang priority sa buhay, “Wala kaming magagawa ganu’n talaga, siyempre trabaho,” sey pa ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending