Camille pagod na pagod sa pagganap bilang bipolar | Bandera

Camille pagod na pagod sa pagganap bilang bipolar

Ervin Santiago |March 29,2015
facebook
share this

Camille pagod na pagod sa pagganap bilang bipolar

Ervin Santiago - March 29, 2015 - 02:00 AM

camille prats
Ang Kapuso actress na si Camille Prats, na isa sa mga bida ng primetime drama series na Second Chances sa GMA Telebabad ay nagpaplano na rin ng bakasyon this coming Holy Week.

Ang kanyang pagganap bilang Rebecca ay hindi biro-biro dahil up and down of emotions ang kanyang kailangan ipakita at iarte dahil bipolar ito. Halos araw-araw ang taping ng naturang serye at bukod pa rito isa rin si Camille sa host ng Mars sa GMA News TV.

Kaya’t ngayong darating na Holy Week, sasamantalahin na ni Camille ang pagkakataon para makapagpahinga, mag-recharge, at makasama ang kanyang pamilya sa property nila sa Batangas.

“My plan this Holy Week is to have a quiet week with my family in our place in Batangas,” kwento niya. In fairness, puring-puri ng netizens ang acting ni Camille sa Second Chances, talagang hindi siya nagpapalamon sa galing nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago, pati na rin ng isa pang leading man sa serye na si Rafael Rosell.

Ayon sa ilang tumututok dito, ibang-ibang Camille ang napapanood nila gabi-gabi sa nasabing serye at hindi na sila magtataka kung mapansin ng sa susunod na awards season ang acting ni Camille bilang isang inang hirap na hirap maka-move on sa kanyang mga nakaraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending