Alex pinayagan na ng nanay na makipaghalikan | Bandera

Alex pinayagan na ng nanay na makipaghalikan

Ervin Santiago |March 29,2015
facebook
share this

Alex pinayagan na ng nanay na makipaghalikan

Ervin Santiago - March 29, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga
PINAYAGAN si Alex Gonzaga ng kanyang magulang na makipaghalikan sa isang leading man niya sa seryeng Inday Bote sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pero ang tanong, sino kaya sa dalawang ka-loveteam niya sa nasabing serye ang makakatikim ng halik ni Alex bilang si Inday Bote?

Ayon sa dalaga, pinayagan na siya ni Mommy Pinty na gawin ang isang kissing scene sa Inday Bote – pero isang beses lang daw ito mangyayari dahil wala nang kasunod.

“I think bago pa ‘yan nag-start I think magkakaroon pero isa lang. Hindi naman pwedeng dalawa,” natatawang chika ni Hirit pa ng sisteraka ni Toni Gonzaga, “Pero I think pumayag mommy ko isang beses ewan ko, sabi niya.

Puwede naman siguro pero ayaw lang ng mommy ko nung puro kissing scene na lang. “Kasi ang Inday Bote naman is not merely para magpakilig, e. It’s to inspire and para mas lalong matuwa ‘yung mga bata.

Pambata talaga siya hindi ka naman puwedeng makipag chukchakan,” esplika pa ni Inday Bote. Pero nang tanungin kung okay sa kanya na makipaghalikan kay Kean Cipriano na na-link sa kanya noon, ang diretsong tugon ng Kapamilya actress, “Parang feeling ko hindi papayag mommy ko.”

Ibig sabihin niyan, kay Matteo pumayag si Mommy Pinty na makipaghalikan si Alex at hindi kay Kean. Alam naman kasi ng nanay ni Alex na very safe ang anak niya kay Matteo dahil in love na in love ito ngayon kay Sarah Geronimo.

At baka natatakot lang si Mommy Pinty na bumalik ang feelings ni Alex kay Kean. Ha-hahaha! Nang-intriga pa talaga!
Anyway, patuloy na umaariba sa ratings game ang Inday Bote ng Dreamscape Entertainment sa direksiyon ni Malu Sevilla, ibig sabihin, tanggap na tanggap na ng manonood ang pagbibida ni Alex sa isang teleserye ng ABS-CBN.

At ngayong darating na Linggo, patuloy na tutukan ang exciting at punumpuno ng magic na buhay ni Inday Bote, sa Primetime Bida lang bago mag-TV Patrol. Kasama rin dito sina Aiko Melendez, Nikki Valdez, Smokey Manaloto, Alonzo Muhlach at marami pang iba.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending