Horoscope, March 29, 2015 | Bandera

Horoscope, March 29, 2015

Madam Sophia |March 29,2015
facebook
share this

Horoscope, March 29, 2015

Madam Sophia - March 29, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang wag malungkot, wag mag-expect ng kung ano-ano, kusang darating yan! Kumilos ka lang ng kumilos. Sa pag-ibig, lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Hindi dapat mainggit sa iba, may kanya-kanyang kapalaran ang bawat tao, ang mahalaga, maging masaya. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay may mga pagkukulang. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Ngayong palang iplano na ang summer vacation, kasama ang mga mahal sa buhay, upang lalong igting ang pagmamahalan ng buong pamilya. Sa pinansyal, aanhin ang maraming pera kung malungkot at nganga naman ang mag-anak ngayong bakasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Tanggapin ang alok na pagsuyo ng isang kaibigang Libra, mahusay siyang romomansa. Sa pinansyal, hindi ba’t kung minsan hindi lang pera ang nagpapaligaya, kailangan mo ring umibig at mag mahal? Mapalad ang 5, 18, 24, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Dahil mabilis na nauubos ang pera, panahon na upang kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid. Sa ganyang paraan ngayon palang pinaghahandaan nyo na ang future mas madali kayong uunlad at magkakaroon ng security ang pamilya. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Sa taong ito ng 2015 tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Habang dumadami ang salapi lalong sasarap at iinit ang relasyon. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Para magka-roon ng kasuyo laging magsuot ng kulay na green. Sa pinansyal, green din ang hihigop ng positibong kapalarang may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green, buenas din ang blue

Libra – (September 23-October 23) – Marami na namang hahanga sa iyo, dapat magamit mo sila sa mga bagay na pagkakakitaan. May mga nagnanasa sayong kagandahan, ngunit sa isang naka-asul, ka sobrang ma in in love. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Wag makinig sa mga intriga. Dahil sa isang maling balita may pagsubok na darating. Sa panahon ngayon marami talagang problema, kaya dapat kang magpakatatag. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kahit na nararamdaman mong unti-unti ng kinakapos sa pera, matutong ngumiti at magpasalamat sa Diyos. Sa ganyang attitudes, pag dating ng Abril, muling gaganda ang pasok ng pera at sa relasyon ay muli kang liligaya. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Marami na namang mangunguitang hindi mo sila dapat na pansinin, lalo na yong mga taong hindi naman marunong magbayad. Sa pag-ibig, dapat mong paglaanan ng budget ang muli ninyong pagde-date ng kasuyong katakamtakam. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Walang “ideal love” kaya itigil mo na ang pagpapatansya ng isang masayang relasyon. Hayaan mong may dumating at muli mong tanggapin, at kung mawawala, hayaan mong mawala, dahil sigurado namang muling may magbabalik. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Walang forever.” Yellow at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Kahit na sobrang busy sa trabaho, dapat mag laan ng oras sa iyong love life. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang iyong kasuyo, darating ang araw tuluyan na siyang mawawala at manlalamig. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Red at purple ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending