Kailan makakaahon sa problema sa pera? | Bandera

Kailan makakaahon sa problema sa pera?

Joseph Greenfield |March 28,2015
facebook
share this

Kailan makakaahon sa problema sa pera?

Joseph Greenfield - March 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Rod ng Riverside, Matagob, Leyte

Dear Sir Greenfield,

Mahirap lang kami kaya sa ngayon namomroblema kami sa kung saan hahanap ng pera. Sa ngayon kasi tadtad na ako ng utang kung saan-saang ahensya at tao, kaya marami ang naghahanap sa akin.
Hindi ko nga malamang kung saan ako magtatago. At bukod sa mabigat na problema sa salapi may sakit pa ako sa ngayon. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay, kaya lang naawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matungungan nyo ako kung paano ko lilitasin ang problemang ito sa pera upang guminhawa naman ang buhay ng aming pamilya? March 13, 1979 ang birthday ko.

Umaasa,
Rod ng Matagob, Leyte

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay at nakiisa na Guhit ng Tulong Mula sa Isang Kamag-anak (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong Fate Line (2-2 arrow 1.) na nagsasabing sa tulong ng isang malayong kamag-anak na nakatakdang dumating sa inyong lugar, tiyak ang magaganap – biglang magbabago ang buhay ng iyong pamilya na may kaugnayan sa pinansyal na bagay.
Cartomancy:
Ang King of Clubs, Queen of Diamonds, at Six of Diamonds, (Illustration 1.), ang nagsasabing dahil sa isang kabutihang matagal mo ng ginawa, isang babaing mayaman ang darating at tutulong sa inyo sa aspetong pang-pinansyal, hanggang sa tuloy-tuloy na kayong umasenso ang umunlad.

Itutuloy….

illus 3-28

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending