Horoscope, March 28, 2015 | Bandera

Horoscope, March 28, 2015

Madam Sophia |March 28,2015
facebook
share this

Horoscope, March 28, 2015

Madam Sophia - March 28, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Matutupad ang hinihiling, kung mamayang gabi habang bumibilog ang buwan, mag-wish ka! Hilingin sa buwan na dumami pang lalo ang maraming suwerte. Sa pag-ibig may maligayang pakikipag-relasyon ang darating. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa panahong ikaw ay sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig yayaing mag-Vistita Iglesia ang kasuyo sa darating na Mahal na Araw. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Maroon at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Magandang pagkakataon ang Holy Week upang disiplinahin ang sarili. Wag masyadong kumain upang masimulan na ang “operation pagpapa-sexy”. Ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay maituturing na isa na ring penetesnya. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Pink at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal magbakasyong grade sa Boracay o sa iba lugarna malapit sa beach. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shut-sa-balde. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Veda-Vajur”. Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiyang sinilangan upang makapagg-relaks. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo, saan man mag-punta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ingatan ang natitirang salapi. Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Siva.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Mantra-Sukadeva.” Violet at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa pag-ibig bitbitin ang kasuyo sa paga-outing. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang sagana, umpisahan ng mag-ipon at magpundar. Sa pinansiyal, hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa araw na ito wag pairalin ang katarayan. Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang magsusungit. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Rama-Om!” Blue at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Hard work ang kailangan upang magtagumpay! Sa pinansiyal, itago ang lahat ng malilikom na pera, palaguin ito at gamitin sa negosyong may kauganan sa produktong butil. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa pag-ibig, wag dayain ang kasuyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Harim-Om.” Maroon at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Haluan ng panalagin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ninyong maging successful, maging maligaya at maging pang habang buhay na ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Gosvami-Jiva.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending