B-day message ni Sarah kay Matteo: I love you, maraming salamat sa pagmamahal mo! | Bandera

B-day message ni Sarah kay Matteo: I love you, maraming salamat sa pagmamahal mo!

|March 27,2015
facebook
share this

B-day message ni Sarah kay Matteo: I love you, maraming salamat sa pagmamahal mo!

- March 27, 2015 - 02:41 PM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Ni Ervin Santiago

HINDI napigilan ni Matteo Guidicelli ang mapaluha sa kayang kaarawan noong Huwebes – talagang pinaiyak siya ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Isang birthday party ang ibinigay kay Matteo ng ilang taong nagmamahal sa kanya kagabi kung saan nakasama rin niya ang kanyang mga katrabaho sa seryeng Inday Bote ng ABS-CBN, kabilang na ang kanyang leading lady na si Alex Gonzaga at ang ka-love triangle nila sa kuwento na si Kean Cipriano. Matteo just turned 25 this year.

Naiyak nga si Matteo matapos magbigay ng kanyang birthday message si Sarah at kantahin ang hit song ni Ed Sheeran na “Thinking Out Loud” na kung hindi kami nagkakamali ay isa sa mga paboritong song ng magdyowa. Ipinagdiinan pa nga ng Pop Princess ang mga lyrics sa kanya na, “We found love right where we are!”

Sey ni Sarah, “I love you. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal mo. You are now becoming a man and I pray that you will continue to seek God, that you will become the man that God has planned you to become, okay? Ako man ang makatuluyan mo o hindi. I love you.”

Mas lalo namang kinilig ang mga taong nasa paligid nila nang yakapin ni Sarah si Matteo habang umiiyak at bigyan ng halik sa pisngi. Pagkatapos ng nasabing eksena, marami naman ang na-curious sa naging birthday wish ng binata, sabi kasi ng Kapamilya actor, “My wish is happiness and acceptance.”

Siyempre, binigyan agad ito ng kulay ng ilang nakarinig, hindi raw kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tanggap ng mga magulang ni Sarah kaya nasabi niya ang salitang acceptance? Well, sabi nga ni Matteo sa mga past interview namin sa kanya, may mga nagiging problema rin sila ni Sarah pero ang mahalaga ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Nagsigawan naman bigla ang audience nang sabihin ni Billy (who hosted the birthday party), “Oh, it’s so nice to see Matteo so in love!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending