Pakiusap ni Binoe kay Pamaran: Patawarin mo na si Melissa Mendez! | Bandera

Pakiusap ni Binoe kay Pamaran: Patawarin mo na si Melissa Mendez!

|March 27,2015
facebook
share this

Pakiusap ni Binoe kay Pamaran: Patawarin mo na si Melissa Mendez!

- March 27, 2015 - 02:22 PM

ROBIN PADILLA AT MELISSA MENDEZ

ROBIN PADILLA AT MELISSA MENDEZ

Ni Ervin Santiago

NAKIUSAP ang action star na si Robin Padilla kay Rey Pamaran na patawarin na ang aktres na si Melissa Mendez at iatras na ang kasong isinampa nito kaugnay ng nangyaring iskandalo sa isang flight ng Cebu Pacific.

Ito’y matapos ngang sampahan ng kasong Slander by Deed ng negosyanteng si Pamaran si Melissa sa Pasay City Prosecutor’s Office at humihingi ng P3 million para sa danyos.

Sa kanyang Instagram account, personal na sinabihan ni Binoe si Pamaran at ang abogado nitong si Atty. Raymond Fortun na ibigay na ang kapatawaran na hinihingi ng veteran actress.

“Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry. Matanda na rin po si Melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya.

“Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad.

“Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa. Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki. Ang pagpapatawad po ninyo kay Melissa Mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan,” ang mahabang pakiusap ni Binoe sa kanyang IG.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Pamaran. Hintayin na lang natin kung pakikinggan nila ang pakiusap ng mister ni Mariel Rodriguez.

Ang tanong, ano kaya ang susunod na hakbang ni Robin kung sakaling hindi siya pakinggan ni Pamaran? ‘Yan ang ating abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending