B-Day wish ni Vice Ganda: Huwag munang mawala kung anong meron ako ngayon! | Bandera

B-Day wish ni Vice Ganda: Huwag munang mawala kung anong meron ako ngayon!

Ervin Santiago |March 27,2015
facebook
share this

B-Day wish ni Vice Ganda: Huwag munang mawala kung anong meron ako ngayon!

Ervin Santiago - March 27, 2015 - 02:00 AM

vice gansda
DIRETSONG sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na may bago na siyang boyfriend ngayon. Pero naging maramot ito sa pagdedetalye tungkol sa kanyang lovelife.

Ayon kay Vice, okay na yung malaman ng publiko na may bagong lalaking nagpapaligaya sa kanya, “Tama na ‘yung alam n’yo na masaya ako, na in love ako. Ayoko nang magdagdag pa para tahimik lang.

Sabi nga nila, less talk less mistakes, di ba?” Next Tuesday ay magse-celebrate na si Vice ng kanyang ika-39 kaarawan, pero wala raw siyang party, “Kasi nasa Amerika ako, di ba, meron kaming concert tour doon.

So, doon ako magbe-birthday at happy ako kasi makakasama ko nanay ko at ang pamilya ko.””Gusto ko yung nagbabakasyon kasama sila kapag may time ako at nagpupunta kami sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan,” pahayag pa ni Vice sa ginanap na presscon ng kanyang next major concert titled, “Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow!”

“Naipapasyal ko ang nanay ko kasi ang nanay ko hindi nakakapunta ‘yun kung saan-saan kasi nagwo-work na iyun ever since,” dagdag pa ng TV host-comedian.

Babalik siyempre si Vice ilang araw bago ang kanyang concert sa Araneta na magaganap sa May 22, ito’y magsisilbi ring selebrasyon ng kanyang 15th anniversary sa showbiz industry.

“Hindi ko inakala na mararating ko ang ganitong estado sa industriya. Sobrang saya ko at puno ng pasasalamat sa lahat ng madlang pipol na nakaka-appreciate ng lahat ng pagpupursige ko sa bawat proyektong ginagawa ko,” chika pa ni box-office star.

Siniguro ni Vice na lahat ng gagawin niya sa “Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow” ay magugustuhan ng madlang pipol, pero sorry na lang sa mga batang fans ng TV host dahil Restricted-13 rating ang kanyang concert, “Sabi ko nga ang show namin ay hindi lang basta SPG (strict parental guidance), SSSSSPG po siya! Lahat ng bawal sa TV, gagawin namin sa Araneta!”

Ang huling concert ni Vice sa Big Dome na “I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta” ay ang tinanghal na highest-earning concert staged by a local artist for 2013.

Ang “Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow!” ay sa produksyon ng Star Events at ABS-CBN Events, stage direction ni Paul Basinilio, TV direction ni Bobet Vidanes, at musical direction ni Marvin Querido.

Mabibili na ang tickets para sa concert ni Vice sa Ticketnet outlets at sa Araneta Coliseum Box Office. Maaaring tumawag sa 911-5555, o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.

Samantala, natanong si Vice sa presscon kung ano pa ang mga plano niya para sa kanyang career, dahil parang nasa “the height” na ang kanyang estado ngayon, ang tugon ni Vice, “Ang taray nu’ng the height, ‘no? Goal? Ang gusto ko lang talaga, to maintain kung anong meron ako ngayon.

“Kung anong meron ako ngayon, ayoko munang mawala,” sey pa ng TV host. Noon daw kasi lagi niyang sinasabi na hindi siya natatakot na mawala ang lahat ng meron siya ngayon at muling maghirap dahil sanay naman siya sa kahirapan.

Pero aniya, “Nu’ng na-realize ko na ang dali-dali lang pala sabihin, pero ‘pag nangyari, parang ang bigat-bigat. Kaya ngayon, ang ipinagdadasal ko, kung mangyayari man yun, ‘wag anytime soon kasi ini-enjoy ko pa po.”

Kasabay nito, dinenay din ni Vice na may away sila ni Alex Gonzaga dahil sa kanilang respective concert. Sey ng TV host-comedian, “Matalik kaming magkaibigan ni Alex at hindi po ako insecure sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa rin ako sa sumusuporta sa concert niya kaya dapat wala nang issue tungkol dito! Maayos po ang relasyon namin ni Alex.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending