Sharon inireklamo ng mag-iinang nanood ng One Direction Concert | Bandera

Sharon inireklamo ng mag-iinang nanood ng One Direction Concert

Alex Brosas |March 27,2015
facebook
share this

Sharon inireklamo ng mag-iinang nanood ng One Direction Concert

Alex Brosas - March 27, 2015 - 02:00 AM

sharon cuneta pa
MERONG One Direction fan ang nairita kay Sharon Cuneta.

In a post made by a popular website, it said that a mom bought three VIP tickets para maganda ang view nila habang pinanonood ang One Direction. Nasira ang gabi nila nang dumating daw ang isang celebrity.

Una, may dala daw itong umbrella at poster, bagay na ipinagbabawal sa venue. Meron daw kasamang bodyguards ang celebrity. At nang umambon, walang kaabog-abog na inilabas ng celebrity ang kanyang baon na payong.

Naloka ang madir dahil halos wala na raw silang makita sa stage, hindi na nila matanaw ang One Direction. Ayun, nagkasya na lang silang mag-iina na tumingin sa wide screen.

Imagine, P17,000 each ang ticket nilang mag-iina pero hindi naman talaga sila nasiyahan sa kanilang viewing experience.
The report had a photo of Sharon Cuneta na nakunan na merong hawak na payong while nakaupo.

With that, fans went ballistic and aimed their nasty comments sa Megastar.  “Well what did you expect from negastar?” one said.
Another echoed the same sentiment and wailed, “How rude negastar!”

“Oh my, shawie! Totoo pala yung mga sinabi nila na yung sweet image mo is just an act,” say naman ng isa. But there are people who came to the defense of Mega.

“Seriously? With just one picture? Hindi niya ako fan dahil ang layo ng genaration namin pero dhil lang sa isang picture najudge mo na agad at naniwala ka na dun sa nagpost na pagkanega? If we will just base our judgement thru this pic, makikita mo naman na few feet away ung kumuha ng pic so pano siya naistorbo?

“And kita naman na nakaupo sila ng mga kasama niya and most of the audience ay nakatayo pati ung nasa harap nila so pano sila naharangan?

And kung magaassume na lang din naman tayo, mukhang may bata siyang katabi so may need na magpayong. Hindi naman kasi bawal daw dba as long as dun mismo sa venue bumili ng payong.

“And given na baka nga naiistorbo sila ng payong, isn’t it better na kausapin mo ung taong involved right then and there? Oh well. Perks of freedom of speech nga naman.

And again, hndi ako fan at lalong hndi ako si sharon. Lol,” one guy said. “Base sa mga nakakita sa kanya at nagpopost sa twitter that night napaka accomoodating pa nga daw Nya kasama mga anak nya,” another fan shared.

Any comment, Ate Shawie? And one more thing, merong kaming nabasang report na hindi lang naman si Sharon ang merong dalang payong that time, marami ring 1D fans ang may umbrella. So why single out Sharon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, trending worldwide until now ang pag-alis ni Zayn Malik sa One Direction. This after nga niyang mag-decide na huwag nang umapir sa two-night concert ng grupo sa Pilipinas. Zayn said, he just want a normal life kaya nag-quit na siya sa grupo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending