Melissa idiniin ng saksi sa ‘airplane scandal’: Lasing siya! | Bandera

Melissa idiniin ng saksi sa ‘airplane scandal’: Lasing siya!

Cristy Fermin |March 27,2015
facebook
share this

Melissa idiniin ng saksi sa ‘airplane scandal’: Lasing siya!

Cristy Fermin - March 27, 2015 - 02:00 AM

rey pamaran
Pinanindigan ng isang source na nakasabay sa eroplano nina Melissa Mendez, Rey Pamaran at Andrew Wolff na lahat ng nangyari sa eroplano ay kagagawan ng aktres.

“Hindi ko sila kilala, nagkataon lang na magkakalapit ang upuan namin, kaya na-witness ko ang nangyari. “Lasing si Melissa, nakainom siya, kaya when she said na hindi raw siya amoy alak nu’ng bumiyahe siya, nagsisinungaling siya!

“Makulit siya, matigas ang ulo niya, twice na siyang winarningan ng mga Cebupac officials, pero talagang matigas ang ulo niya. Mag-sorry na lang siya dahil lalabas at lalabas din naman ang totoo.

“May CCTV cameras sa airport, makikita na uminom pa siya before umakyat ng plane, tinawag din niyang bakla ‘yung kalaban niya nu’ng harangin niya palabas sa comfort room.

Siya ang makulit during the flight,” pagtatapat ng isang impormanteng kasabay sa eroplano ng nagbabanggaang kampo.
Nag-sorry na si Melissa sa kanyang social media account, pero hindi ‘yun tinanggap ni Rey Pamaran, kinasuhan pa rin siya nito dahil wala raw sinseridad ang panghihingi niya ng paumanhin.

Ang gusto pala nito ay mag-guest uli si Melissa sa mga talk shows kung saan siya nagsalita nu’n, sa telebisyon daw niya sinira ang pagkatao ni Pamaran, kaya du’n din niya dapat buuin.

Gawin naman kaya ‘yun ni Melissa Mendez?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending