Erap tatakbong pangulo; Isko sasabak sa Senado? | Bandera

Erap tatakbong pangulo; Isko sasabak sa Senado?

Julie Bonifacio |March 27,2015
facebook
share this

Erap tatakbong pangulo; Isko sasabak sa Senado?

Julie Bonifacio - March 27, 2015 - 02:00 AM

erap estrada
MARIING itinanggi muli Manila Vice Mayor Isko Moreno ang isyu na na may relasyon sila ni Jackie Ejercito, ang anak na babae ni Manila Mayor Joseph Estrada sa show ni Winnie Monsod sa GMA News TV.

Pero maging si Mareng Winnie pala ay nakakarinig din among her circuit sa tsismis tungkol kay VM Isko and Jackie at hindi lang daw sa Manila City Hall kumakalat ang tsismis sa kanila.

And how true na kaya raw hiniwalayan ni Jackie si Beaver Lopez ay dahil sa drugs? Wala pang kontra pahayag ang camp ni Beaver about this kay wag muna tayong mag-judge agad.

Bukod kay Jackie, sinabi rin ni Isko kay Mareng Winnie na hindi raw siya tatakbong Senador sa 2016 election. Umuugong kasi ang balita that after ng ikatlong term niya sa Manila ay magle-level-up na siya sa Senado.

Kasunod ang tsika na join ulit sa Presidential election si Mayor Erap. In fact, kahit sa San Juan ay may makikita kang tarpaulin ni Isko congratulating the graduates of 2015.

And then, tinanong din siya tungkol sa kanyang mga pag-aari at mga sasakyan. Inamin niya na meron siyang networking business at tatlong kotse. Isa rito ang gamit-gamit niya ngayon na luxury car and bullet-proof na Escalada.

Say pa niya, hindi sa kanya ang kotse kundi ipinahiram lang sa kanya ni Erap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending