Mommy ni Iñigo umamin kung bakit sila naghiwalay ni Piolo | Bandera

Mommy ni Iñigo umamin kung bakit sila naghiwalay ni Piolo

Reggee Bonoan |March 27,2015
facebook
share this

Mommy ni Iñigo umamin kung bakit sila naghiwalay ni Piolo

Reggee Bonoan - March 27, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual
SA announcement ng bagong serye nina Julia Barretto, Miles Ocampo at Iñigo Pascual na And I Love You So mula sa Dreamscape Entertainment namin nakatsikahan ang ina ng huli na si Gng. Donna Lazaro.

Hindi naman mapapansin na kasama parati ni Iñigo ang mommy niya sa mga showbiz events dahil parati lang itong nasa isang tabi dahil unang-una ay mahiyain ito at higit sa lahat, pribadong tao raw siya.

Nagkataon lang na nanay siya ng anak ni Piolo Pascual kaya minsan ay may mga nakakakilala sa kanya.Sa totoo lang bossing Ervin pahirapan pa bago namin siya napaoo (humingi pa siya ng go-signal sa manager ni Iñigo na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management) sa isang interview.

Isipin mo, 38 na pala ang ina ni Iñigo pero hindi halata dahil mukha siyang bata. Aniya, simula noong maghiwalay sila ni Piolo ay sa anak na lang nila itinuon ang oras. Wala na siyang naging boyfriend at hindi na niya naisip na mag-asawa pa.

“May mga nanligaw naman po, kaso choice ko rin po na maging mag-isa, saka na-enjoy ko kasi ‘yung pagiging mommy, paga-asikaso kay Iñigo,” kuwento ni Donna.

Na-trauma ba siya sa paghihiwalay nila ni Piolo? “Ay hindi naman po,” mabilis na sagot sa amin. Baka naman naghihintay si mommy Donna na baka isang araw ay magkakabalikan pa rin sila ni Piolo, “Ay hindi po, wala po, friends lang kami talaga,” mabilis na sagot nito.

Paano kung may nagiging girlfriend si Piolo okay lang ba iyon sa kanya? “Never ko naman pong pinakialaman ‘yun.”
As in wala siyang nararamdamang sakit o selos? “Aa akin po wala, siguro para sa anak ko,” pag-amin ni Mommy Donna.

Hindi ba siya tinutukso ni Iñigo na magbalikan na sila ni Piolo, tutal pareho naman silang single, “Wala naman po,” natawa uling sagot sa amin.

Nang mapansin naming kampante na si Mommy Donna sa amin ay diniretso namin ng tanong kung bakit ba sila nagkahiwalay ni Piolo. Naku bossing Ervin, nabigla ang mommy ng bagets sa tanong namin, “Bata pa po kasi kami noon, nu’ng naging kami, 17 going on 18 po, barkada po kami, priority niya kasi that time ang pag-aartista niya.

“Saka mga bata po kami, ‘yung mga desisyon namin (hindi stable), tapos ako, priority ko rin para sa anak ko,” paliwanag niya.

Hindi naman lingid sa lahat na kaliwa’t kanan ang intriga kay Piolo at nababasa na lahat ito sa internet, paano niya ipinapaliwanag ang mga ito sa anak nila.

“Ano po, eversince naman sinasabi ko kay Iñigo kung ano ang work ng papa niya, pero hindi ko sinasabi kung gaano siya (Piolo) ka-famous, basta pinalaki ko siya na ‘yung daddy niya kapag kasama niya, daddy lang niya, hindi artista.

“So ‘yung relationship nila, more on as father and son, ‘yung work ng dad, nakahiwalay, pero in-explain ko kung anong klase ang work ng dad niya,” paliwanag ni Donna.

Noong lumipad daw patungong Amerika ang mag-inang Donna at Iñigo nong 2006 ay maganda ang buhay nila dahil simple at masaya kasama ang lolo’t lola ng bagets.

Pero nang magkaisip na raw ang bagets at nagkainteres ng mag-showbiz ay nagsabi na itong umuwi sila ng Pilipinas, “Opo, gusto niya talagang mag-join ng showbiz.

At first talaga, pinigilan ko kasi nag-aaral, pero nag-promise naman siya na tatapusin niya kaya pumayag na rin ako,” kuwento pa ni Donna.

Marami na ang humihiyaw kapag nasa mall shows si Iñigo, ano naman ang pakiramdam ni Donna? “Kasi sa daddy niya, nakikita ko na ‘yun, so parang okay lang naman.

Pero ngayon, iba pala kasi pag anak mo na, nasu-surprise ako sa mga tao na gusto rin pala siya, sa mga ginagawa niya,” sabi pa sa amin.

Sa showbiz ay hindi maiiwasang hindi maintriga si Iñigo, nakahanda na ba si mommy Donna rito, “Kasama naman po ‘yun. Basta sabi ko, gawin lang niya ‘yung best niya sa lahat ng ginagawa niya, laging magpi-pray, mag ask siya ng guidance sa lahat ng gagawin niya,” ani Mommy Donna.

Nakakatuwa bossing Ervin kasi hindi namin naramdaman o nakitaan ng yabang ang mommy ni Iñigo, kaya siguro wala ring yabang ang binatilyo, sana hindi sila magbagong mag-ina kapag nasa tuktok nan g tagumpay ang batang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yung iba kasing magulang ng mga youngstar, mga feelingera na kaya ang ending hindi pa sumisikat ang mga anak, nalalaos na! Di ba, bossing Ervin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending