Pacman tatakbong Senador sa 2016 kung... | Bandera

Pacman tatakbong Senador sa 2016 kung…

Ervin Santiago |March 25,2015
facebook
share this

Pacman tatakbong Senador sa 2016 kung…

Ervin Santiago - March 25, 2015 - 02:00 AM

manny pacquiao
TATAKBONG senador si Manny Pacquiao sa 2016 elections kung ito raw talaga ang nais ni Lord.

Nilinaw ni Pacman na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang desisyon tungkol sa pagtakbo niya sa senatorial race sa 2016. Hindi rin daw totoo na may nakausap na siyang political group na magdadala sa kanya sa darating na eleksiyon.

Ani Pacman sa isang interview ng GMA News, “Kapag senador na kasi, buong bansa na ang magiging responsibilidad mo. Marami pa akong responsibilidad para sa pamilya ko at sa ibang mga tao na nangangailangan ng tulong natin.

“Iyon lang naman ang hangad ko, yung makatulong sa maraming tao. Ayoko namang iwan ang mga ‘yan dahil sa maghangad ako ng mas mataas na posisyon,” pahayag ng Pambansang Kamao.

“Ipinapaubaya ko ang lahat sa Panginoon. Kung saan Niya ako gustong mag-serve para mas marami akong matulungan, iyon ang susundin ko. Ayoko yung mapapabayaan ko ang aking pamilya na siyang pinakaimportante sa buhay ko,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending