Jinkee Pacquiao napaiyak matapos libutin ang bagong mansion sa US | Bandera

Jinkee Pacquiao napaiyak matapos libutin ang bagong mansion sa US

Ervin Santiago |March 24,2015
facebook
share this

Jinkee Pacquiao napaiyak matapos libutin ang bagong mansion sa US

Ervin Santiago - March 24, 2015 - 02:00 AM

jinkee pacquio
As expected, abot-tenga ang katuwaan ni Sarangani Vice-Governor Jinkee Pacquiao at ng mga anak nila ni Manny Pacquiao nang malibot ang kabuuan ng bago nilang mansiyon sa Beverly Hills.

Naiyak pa nga ang bise-gobernadora habang iniinterbyu kahapon ng umaga sa Unang Hirit, pero aniya, tears of joy daw ‘yun dahil sa patuloy na blessings na natatanggap nila mula kay Lord.

Umaasa si Jinkee na sa darating na April ay makakalipat na sila doon para ma-enjoy na ang napakagandang property sa Amerika na diumano’y nagkakahalaga ng humigit-kumulang P500 million.

Nasa US ngayon ang pamilya ni Pacman para magbigay-suporta sa magiging laban nila ni Floyd Mayweather sa May 2.
Sa isang TV interview, gustung-gusto ng mga anak ni Manny ang napakalaing swimming pool sa bahay.

Sey naman ni Jinkee, “Thumbs up. Approve naman. Okay lang maganda ang bahay talaga, maaliwalas.” Dagdag pa ng misis ni Pacman, “Siguro madalas ang punta dito, kasi sayang naman ang bahay sa laki kung hindi titirahan ng matagal.”

“First week of April siguro if ever (lilipat na), para at least ma-enjoy naman ‘yung bahay for a month bago pumunta ng Las Vegas,” chika pa ni Jinkee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending