Claudine ‘nakiramay’ sa nangyari sa anak ni Mariel | Bandera

Claudine ‘nakiramay’ sa nangyari sa anak ni Mariel

Ervin Santiago |March 19,2015
facebook
share this

Claudine ‘nakiramay’ sa nangyari sa anak ni Mariel

Ervin Santiago - March 19, 2015 - 02:00 AM

robin padilla
NAKISIMPATYA si Claudine Barretto sa nangyari sa first baby sana nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla. Walong linggo nang buntis ang TV host-actress nang siya’y makunan.

Sa kanyang Instagram account, nire-post ni Claudine ang litratong ginamit ni Mariel nu’ng ibalita niyang meron siyang pinagdaraanan sa kanyang personal na buhay.

Sinabi ni Claudine na lagi lang siyang nandiyan para sa mag-asawang Mariel at Binoe. “To my Dearest Mariel & Robin, I cannot imagine the pain u both r going through bt knw that u have each other & so many many of us who truly cares & loves u both.

I will always b here for u guys & Robin, u & cutie pie will always b in my prayers. Godbless u & I luv u both very much,” ang mensahe ni Claudine.

Very open si Mariel sa pagsasabing idol niya noon pa si Claudine dahil hinahangaan niya ang galing nito bilang aktres. Pinasalamatan din niya ang dating asawa ni Raymart Santiago na isa sa mga naunang nakisimpatya sa kanila ni Binoe.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang kalungkutan ang anak ni Binoe na si Kylie Padilla sa nangyari kay Mariel. Nag-post ang Kapuso actress sa kanyang IG account ng isang video kung saan nagpahayag siya ng suporta sa kanyang ama at step mom.

Mensahe ni Kylie, “To my beautiful and brave Tita Mariel and Papa, it may seem dark at the moment, but God’s grace will shine on. Each new life, no matter how brief, forever changes the world.”

Sa kasalukuyan ay napapanood si Kylie sa Sunday All Stars at pinabulaanan naman ng mga bossing ng GMA na lilipat na ang dalaga sa ABS-CBN. Nabatid na may exclusive contract pa si Kylie sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending