Jolo nagdiwang ng kaarawan sa loob ng kulungan kasama ang buong pamilya | Bandera

Jolo nagdiwang ng kaarawan sa loob ng kulungan kasama ang buong pamilya

Cristy Fermin |March 15,2015
facebook
share this

Jolo nagdiwang ng kaarawan sa loob ng kulungan kasama ang buong pamilya

Cristy Fermin - March 15, 2015 - 02:00 AM

bong revilla
Nagdiwang ng kaarawan kahapon ang nagpapagaling nang vice-governor ng Cavite sa PNP Custodial Center. ‘Yun ang hiniling ni Senador Bong Revilla, ang sana’y magkasama-sama silang mag-anak sa kaarawan ni Vice-Governor Jolo, para sama-sama rin silang magpasalamat sa Diyos sa pagkaligtas sa indulto ng batambatang pulitiko.

Konting panahon pa at maayos na maayos na si VG Jolo, isang matinding paghamon na naman ang nalampasan ng pamilya Revilla, hiling ng senador at ni Congresswoman Lani Mercado ay huwag naman sana silang masyadong binibiro ng kapalaran.

Sabi pa ng maganda pa ring aktres-pulitiko sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang pamilya, “Never kong kinuwestiyon ang Panginoon nu’ng may mangyari kay Jolo.

“Alam kong may dahilan ang lahat at mula du’n, may leksiyon siyang makukuha. “Basta patuloy lang kaming nagdarasal na sana, sa lahat ng iniaatang na challenge sa buhay namin, e, huwag kaming pabayaan ng Diyos.

‘Yun lang talaga ang palagi kong hinihiling,” komento ng napakatatag at subok na ang katapangang kongresista.
Maligayang kaarawan, Vice-Governor Jolo Revilla!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending