Willie Revillame todo pagpapapayat, naghahanda na sa bagong TV show | Bandera

Willie Revillame todo pagpapapayat, naghahanda na sa bagong TV show

Cristy Fermin |March 12,2015
facebook
share this

Willie Revillame todo pagpapapayat, naghahanda na sa bagong TV show

Cristy Fermin - March 12, 2015 - 02:00 AM

willie revillame
Positibo na ang mga kuwentong nakararating sa amin tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame. At hindi lang basta mga kuwento, harap-harapan pa naming nakikita ang mga senyal na malapit na nga uling mapanood ng kanyang mga tagahanga ang kanilang Kuya Wil, tapos na ang matagal nilang pagkasabik.

Nu’ng isang linggo ay nag-meeting na ang production staff ni Willie sa kanyang mansiyon sa Iruhin, Tagaytay. Kapag ganu’ng madalas na ang kanilang pagkikita-kita ay siguradong nagbubuo na uli sila ng mga segments na magagamit nila sa bagong show ni Willie.

“Marami na silang nabuo, magaganda ang concept, kapag show kasi ni Willie ang pag-uusapan, kailangang simple lang ‘yun, pero ang nakahandang papremyo, milyun-milyon naman!

“At siya lang naman kasi ang nakilala sa ganu’ng atake, maraming buhay na ang binago ni Willie sa mga shows niya, kaya palagi siyang naaalala ng mga kababayan natin,” bulong sa amin ng isang malapit sa aktor-TV host.

Abala na rin ngayon sa pag-eehersisyo si Willie, madalas siyang mag-golf, abala rin ngayon ang kanyang gym sa lahat ng kanyang mga bahay dito sa Kyusi at sa Tagaytay.

Ilang tulog at gising na lang at bubulaga na uli sa telebisyon ang makarismang aktor-TV host na iniidolo ng ating mga kababayan lalo na ng mga lolo at lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending