Karla malaking banta raw sa career nina Jay-R, Jolens, Nyoy | Bandera

Karla malaking banta raw sa career nina Jay-R, Jolens, Nyoy

Ambet Nabus |March 10,2015
facebook
share this

Karla malaking banta raw sa career nina Jay-R, Jolens, Nyoy

Ambet Nabus - March 10, 2015 - 02:00 AM

jolina magdangal
“Kaya huwag na nilang hayaang umabot pa ako sa top four!” Ito ang natatawang sagot ni Karla Estrada, isa sa walong celebrities na napili to compete sa Your Face Sounds Familiar, sa naging komento ng marami na tiyak kakaririn ng fans ng anak niyang si Daniel Padilla ang pagboto sa kanya.

Among the contenders kasi ay may malaking bentahe na ang tinaguriang Queen Mother sa text voting dahil sa powers ng anak nitong si DJ. Pero maagap ding nagpaliwanag ang mahusay na singer, “Napag-usapan na namin iyan.

More than anything else, lahat kami dito ay excited sa show hindi sa kontes. Kantahan at gayahan ito ng music idol at kariran ng kung sino ang pinakamalapit sa ginagaya.”

Bukod kay Karla, kalahok din sa female group sina Melai Cantiveros, Maxene Magalona at Jolina Magdangal, habang sa mga lalaki ay nandiyan sina Jay-R, Edgar Allan Guzman, Tutti Caringal at Nyoy Volante.

Lahat sila ay umaming may mga kahinaan at mga music icons na takot na gayahin. Sey nga ni Jay-R, “siyempre pag babae na beyond our voice range, mahirap gayahin like sina Whitney Houston, Mariah Carey, pero may ibang requirements naman na puwede naming palakasin, like sa looks, mannerisms and gestures.”

Hirit naman ni Maxene, “siyempre challenge yung maging lalaki kang singer. Pero nandu’n nga ang excitement kaya masarap abangan. We will be given a week to prepare para sa maa-assign sa aming artist.”

Hindi porke’t magaling kang singer o maganda ang boses ay winner na rito, dahil sey nga ni Melai na hindi naman talaga singer, “performance ang labanan at kung paanong mailalapit yung look at aura mo at boses mo in few minutes sa gagayahin mo ang basehan ng lahat. Kung keri mo ang mga yan, pasok ka na sa banga.”

Tawa naman nang tawa si Nyoy Volante nang marinig niyang siya ang kinatatakutan ng halos lahat ng mga makakalaban niya sa Your Face Sounds Familiar.

Honestly, agree kami sa reaksyon ng ibang kalahok. Mas lamang kasi ang pagiging “music artist-performer” ni Nyoy kumpara sa iba. Sa stage na lang eh sari-sari nang roles ang ginampanan niya with flying colors.

Naging kabayo pa nga siya sa isang play. Pero ang talagang kuwela sa amin ay yung may mag-tanong na what if from among the local music icons na ma-assign sa kanya eh ang dating GF niyang si Nina ang matoka sa kanya?

Natawa ang mahusay na singer sabay hirit na, “keri ko naman siguro pero sana ano, don’t  give them (show’s executives) the idea. Ha-hahaha!”

Tawa lang din ang isinagot ni Jay-R sa intrigang mas bigla siyang sumikat ngayon sa ABS-CBN, mas naging very visible at laging laman ng social media discussions kumpara nu’ng nasa GMA pa siya.

“Big help, definitely…grateful talaga ako,” paliwanag nito sa klase ng exposure na nakukuha niya at nae-enjoy sa ABS-CBN na balita pa ngang baka ma-extend into TV acting and more.

“Let’s keep our fingers crossed and hope for the best. Basta ako happy and I’m doing as always my best,” dagdag pa nito.
Nang tanungin namin kung advantage ba sa palagay niya ang kanyang height sa kontes na sinalihan, sey nito, “Mukhang hindi nga eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi yung  music icons naman natin average lang din ang mga height. But that’s good thing kasi I don’t need to wear high heels if ever mang gayahin ko sina Beyonce o Madonna. Ha-hahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending