Magka-BF ang birthday wish (2) | Bandera

Magka-BF ang birthday wish (2)

Joseph Greenfield |March 07,2015
facebook
share this

Magka-BF ang birthday wish (2)

Joseph Greenfield - March 07, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nicole Dandan, Kabasalan, Zamboanga del Sur

Problema:
1. Sa edad kong 25 na sa darating na April 16, hanggang ngayon ay wala parin akong boyfriend. Nagtataka nga ako sa aking kapalaran kung bakit may sabi ng nanay ko ay maganda naman daw ako pero bakit kaya hanggang ngayon ay wala parin akong boyfriend?

2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung saan ko makikilala ang lalaking una at huling magiging boyfriend ko.

3. Gusto ko po kasi na sa taong ito ng 2015 ay magka-boyfriend na ako. Mangyari kaya ang birthday wish ko na ito?

Umaasa,
Nicole ng Zamboanga del Sur

Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing medyo maskulado na matangkad ang lalaking magiging boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Sagittarius.

Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at makikilala sa pamamagitan ng modernong kumunikasyon ay isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29.

Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo tsinita, cute na bilugan ay nagsasabing ang lalaking mapapangsawa mo ay nagta-trabaho sa isang kumpayan na may kaugnayan sa sasakyan, maaaring bus, jeep, barko, eroplano at iba pang kauring hanap buhay.

Luscher Color Test:
Ang pagtatagpo ninyo ng lalaking magiging boyfriend mo at mapapangasawa ay nakatakda na, kung saan, sa araw na iyon nakasuot ka ng kulay na pula habang siya naman ay nakaunipormeng asul. Yan ang palatandaang ang nasabing lalaki na ang magiging first and last boyfriend mo, hanggang sa ikaw ay tuluyan ng makapag-asawa.
Huling payo at paalala:
Nicole ayon sa iyong kapalaran hindi mo dapat kainipan ang pag-kakaroon ng nobyo, sa dahilang nakatakda na ang magaganap, kung saan, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hunyo sa edad mong 25 darating na ang lalaking nagtataglay ng initial na J. R., ang lalaking ito ang siya na ngang magigi first and last na boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending