Jam Sebastian may huling mensahe sa madlang pipol | Bandera

Jam Sebastian may huling mensahe sa madlang pipol

Ervin Santiago |March 06,2015
facebook
share this

Jam Sebastian may huling mensahe sa madlang pipol

Ervin Santiago - March 06, 2015 - 02:02 PM

 

jam sebastian

May isinulat palang mensahe si Jam Sebastian bago siya pumanaw. Ayon sa kapatid ng yumaong YouTube sensation na si Yexel, tinapos ni Jam ang kanyang huling message kahit na hirap na hirap na ito sa kanyang kundisyon.

“Waaassuupppppp??? dto ako ngyn sa hospital, nagpagpapagaling. Sa kahit anong PAGSUBOK LABAN LANG!!!! Di ko alam kung mawawala na ako o mabubuhay pa pero ginagawa ko lahat para lumaban. “Gising na gising ako, natulog ako, pagising ko, dami ng tube na naka-insert sa akin tapos nakapalibot fam and friends lahat nagiiyakan. 1 day daw ako tulog. Weird lang. Anyways, MARAMING MARAMING SALAMAT sa lahat ng nagdarasal at mga donasyon na bigay nyo. Sa kanila po ako kumakapit,” ang mahabang mensahe ni Jam na ipinost ng kanyang pamilya sa Facebook nu’ng Huwebes. Ayon kay Yexel, nagulat nga raw sila nang malamang nai-type pa ng kapatid sa kanyang cellphone ang nasabing mensahe dahil nga alam nilang hirap na itong maigalaw ang kanyang katawan. Sa isang panayam naman kay Yexel, sinabi nitong walang huling habilin si Jam sa kanila bago ito mamatay, “Never naman siya naghabilin na kung if ever na mawawala siya, wala siyang ganoon eh. Laging may hope na mabubuhay pa siya.” Samantala, ayon naman sa naiwang girlfriend ni Jam na si Mich Liggayu, sinabi sa kanya ng boyfriend na ipagpatuloy lang nito ang hulig sa pagdidirek. “Ang huling sabi niya po sa akin ay i-continue ko lang po kung ano ‘yung nasa heart ko. Kasi po we’re under Viva po so sabi niya sana magkaroon kami ng magandang relationship para ma-continue ko lang daw ‘yung passion ko po,” sey ni Mich na isa ngang aspiring filmmaker. Kuwento pa ni Mich, plano nilang i-release ang bago nilang short film sa kanilang official YouTube channel kung saan may guest appearance si Jam. Kinunan daw ito ilang buwan bago maospital ang binata dahil sa lung cancer. “Plano ko po ilabas ‘yung pending na short film namin kasi may nagawa po kami na kasama po si Jam doon –may cameo siya noong kaya pa niyang maglakad lakad. Pero for now, gusto ko lang po ng time with him,” sabi pa ni Mich sa nasabing interview.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending