Daniel hindi pinayagang mag-artista ang kapatid na babae | Bandera

Daniel hindi pinayagang mag-artista ang kapatid na babae

Reggee Bonoan |March 05,2015
facebook
share this

Daniel hindi pinayagang mag-artista ang kapatid na babae

Reggee Bonoan - March 05, 2015 - 05:34 PM

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

Ni Reggee Bonoan

Ang super”seksing” mama ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang isa sa artistang kasama sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14, Sabado at 15, Linggo sa ABS-CBN.

Kilalang kontesera si Karla at ang motto niya ay never give up and never lose hope kaya naman maski na hindi siya nakapasa sa blind audition ng The Voice Season 2 ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa at muli na naman siyang sumali ngayon sa Your Face Sounds Familiar.

Aminado ang dating singer-actress na looking forward siya sa programa dahil kanta-kantahan ito na talagang forte niya at ang worry lang niya ay kung sino ang gagayahin niya dahil palabunutan ang sistema ng show na pagalingan nga sa impersonation ang labanan.

Sabi ni Karla ay nagdesisyon na siyang bumalik sa harap ng kamera, “nag-decide na ako kasi alam ko namang ikatutuwa niya (Daniel) ito kasi alam niyang gusto kong magkaroon ng (trabaho), kasi di ba, apat na taon na siyang…siya ‘yung nagtatrabaho, mayroon akong pakonti-konti, pero parang (kulang).

“Of course, masarap pa ring pakinggan na hindi lang siya ‘yung bread winner kundi kaming mag-ina ang nagtutulungan. Nu’ng in-explain ko sa kanya (umokey) kasi ayaw niya talaga.

“Yung isang kapatid nga niya, ‘yung bunso, si Carmela kinukuhang mag-artista para sa bagong show, hinindian niya, solong teleserye sana, sinabi ni DJ na huwag, ayaw niyang parang package deal. Sabi ko, ‘anak hindi naman kasi iba naman, e, sabi niya, ‘pag-aralin mo ‘yung mga babae, pagtapusin mo na muna.’ Kaya sabi ko, okay,” natatawang kuwento ni Karla.

Sa kabisihan ng batang aktor ay hindi nito maisingit ang pag-aaral at ayaw naman daw nito ng online, “Filmmaking sa UP ang gusto niya, ayaw niya ng home school, gusto niya regular school, gusto no’n nasa loob ng paaralan.

“Kaya sabi ko, ‘sige anak bigyan mo pa sarili ng isang taon, tantiyahin natin baka sa susunod na taon puwede ka ng pumasok, this year kasi walang bakante, magtatrabaho siya hanggang first quarter ng 2016,” say ni Karla.

Samantala, natanong ang aktres kung nakikinita ba niyang magtatagal ang kasikatan ni Daniel, “Nang mag-umpisa siya, nakita ko na tatagal siya, hindi dahil anak ko siya.  Ang tagal ko na rin sa industriya at nakita ko na ang mga panandalian at magtatagal, nataon na sa anak ko nakita ko na hindi ko naman nakita iyon sa ibang anak ko,” pahayag ng proud mama.hayag ng proud mama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending