Makakapunta ba sa Canada? (2) | Bandera

Makakapunta ba sa Canada? (2)

Joseph Greenfield |March 05,2015
facebook
share this

Makakapunta ba sa Canada? (2)

Joseph Greenfield - March 05, 2015 - 01:54 PM

Sulat mula kay Charity Lasang, Riverside,

Dumaguete City
Problema:

1. Dati na akong nag-abroad sa Hong Kong bilang D.H. for almost five years at nakaipon naman ng konti, pero ayaw ko nang magbalik doon, dahil may invitation ako sa ngayon galing sa pinsan kong OFW din sa Canada naman. Sabi nya sa akin mag-aplay daw ako sa Canada at tutulungan nya daw akong makapunta don. Pero kailangan daw munang mag-Hong Kong muli ako at pag nandon na ako mas madali na daw akong makakarating ng Canada.

2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung sakali bang magpupunta ako sa Hong Kong uli totoo kaya na matutulungan ako ng pinsan ko na makapunta sa Canada? At nasa guhit kaya ng palad ko ang makapag-Canada? August 14, 1983 ang birthday ko.

Umaasa,
Charity ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi matatapos ang taong ito ng 2015 kung mag-aaplay ka na sa Hong Kong, madali kang makaka-alis, upang pagkatapos, paglipas ng isa o dawalang taon pa, sa tulong ng kaibigang isinilang sa zodiac sign na Aries, makapagka-Canada ka na.
Numerology:

Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa saktong-sato sa edad mong 32, lalong bubulas ang gaganda ang kapalaran mo sa larangan ng materyal na bagay at paglalakbay.

Luscher Color Test:

Upang mas madaling palarin at mas mabilis na mapitas ang magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na dilaw, puti, gray at silver. Sa nasabing mga kulay, unti-unti ng aaliwalas at gaganda ang iyong kapalaran lalo na sa pangingibang bansa at sa materyal na bagay.
Huling payo at paalala:

Charity sa iyong kapalaran, sumunod ka lang sa pinapagawa sa iyo ng pinsan mong nasa Canada. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2015, makapagho-Hong Kong ka, upang paglipas ng isa o dalawang taon pa, sa 2017 sa edad mong 34 pataas, tuloy-tuloy ka na ring makakapag-Canada at sa nasabing bansa, ang kapalaran mo ay tuloy-tuloy na ring uunlad at sasagana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending