Horoscope, March 05, 2015 | Bandera

Horoscope, March 05, 2015

Madam Sophia |March 05,2015
facebook
share this

Horoscope, March 05, 2015

Madam Sophia - March 05, 2015 - 01:49 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Isang maikli ang buhok na cute ang magbibigay sayo ng suwerte. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyo sa mga problemang pang-pinansiyal. Sa pag-ibig, sa isang Cancer may masarap na ugnayang mabubuo. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sayong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng lovebirds. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Navy blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—May magte-text! Isang dating kaibigan ang mangungutang – wag na lang siyang replayan. Sa pinansyal, unahin ang kinabukasan ng pamilya kaysa sa ibang tao. Sa pag-ibig, isang kasamahan sa trabaho ang unti-unti ng nagkakagusto sayo. Mapalad ang 3, 15, 30, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Om.” Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Subukang makipag-sapalaran sa ibayong dagat. Sa pag-aabroad, dalawang bagay ang makakamit, tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay at matamis na pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sicto-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang isulat ang mga magagandang bagay na laman ng iyong isipan at gumawa ka ng libro. Sa pagawa ng libro, mas magiging maligaya at kikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Suriing mabuti ang laman ng damdamin. Wag magpadala sa kapusukan. Lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimmoralan. Sa pag-ibig, tandaang: “ang hangal na relasyon ay lilipas din!” Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Seryosohin ang paghahanap buhay at pagiipon ng pera, sa edad mong 41pataas makikita mo yayaman ka na. Sa pag-ibig, hanggat hindi mo ibinibigay ang 100% na pagmamahal hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 4, 9, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Yotah-Om.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag hayaang maging chubby, sa sandaling tumaba ka ng husto, maaaring palitan ka ng kasuyong Aquarius. Panatiliin ang pagiging sexy, sa unang oras sa umaga piliting makapag- jogging. Mapalad ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi mo na ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, walang personalan!” Emerald green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kakaibang pag-ibig ang mararanasan! Mag-ingat sa immoral pero masarap na relasyon. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi. Mapalad ang 1, 13, 28, 36, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Om”. Maroon at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang lalo pang yumaman, simulan ang produktong may kaugnayan sa agrikultura at pagkain. Sa pag-ibig, suwerteng kapartner at kasosyo sa negosyo silang isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Mapalad ang 4, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pagsusungit walang biyayang makakamit. Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti lalong uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag madamot, ipadama sa kasuyo ang wagas at totoong pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Umiwas sa mga balasubas at manunuba, wag ipautang ang salapi kung kanikanino, upang hindi ka magsisi sa bandang huli. Sa pag-ibig, sa isang Cancer muling titibok ang puso. Mapalad ang 2, 7, 16, 20, 29, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Avidya-Om.” Orange at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending