Teleserye nina Juday at Ser Chief tuloy na tuloy na | Bandera

Teleserye nina Juday at Ser Chief tuloy na tuloy na

Ervin Santiago |March 05,2015
facebook
share this

Teleserye nina Juday at Ser Chief tuloy na tuloy na

Ervin Santiago - March 05, 2015 - 02:00 AM

richard yap
Tuloy na tuloy na ang pagsasama nina Judy Ann Santos at Richard Yap sa isang bonggang teleserye sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment TV.

Kahapon, ginanap ang story conference para sa Someone To Watch Over Me na dinaluhan nina Juday at Ser Chief. Makakasama nila rito sina Diether Ocampo, Eddie Garcia, Tirso Cruz III, with Michelle Vito, Paulo Angeles and Loren Burgos sa direksiyon nina Onat Diaz at Trina Dayrit. Mapapanood na ang nasabing serye sa second quarter ng 2015.

Parehong excited sina Juday at Richard sa bago nilang proyekto sa Dos, ito ang kauna-unahan nilang pagsasama sa isang TV show kaya looking forward ang dalawa sa magiging collaboration nila.

Gaganap na NBI agent at loving mother si Juday sa teleserye, romance-drama-action ang Someone To Watch Over Me. Aniya, siyempre, ibang-iba na naman ito sa mga past soap opera niya.

Yun naman daw ang isa sa mga dahilan kung bakit natatagalan ang follow-up serye nila. Kailangan daw kasi talaga na siguruhin niyang bago na naman ang mapapanood ng mga tao sa kanya para hindi sabihing paulit-ulit lang ang kuwento ng soap niya.

Isang mayamang negosyante naman na magkakaroon ng kuneksyon sa karakter ni Juday ang role ni Ser Chief.  Hindi pa sila makapagbigay ng iba pang detalye tungkol sa kanilang mga role dahil katatapos nga lang ng kanilang story conference.

Pero ang mahalaga nga rito ay matutuloy na ang seryeng pagsasamahan nina Richard at Juday. In fairness, may promise ang tandem ng dalawa kaya wait na lang tayo sa nalalapit na pag-ere ng Someone To Watch Over Me.

In fairness, kahit kami ay na-excite kung paano naman ang magiging atake ngayon ni Ser Chief sa kanyang bagong proyekto sa ABS-CBN.

Huwag kayong mag-alala babalitaan namin kayo once na mag-start na sila ng taping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending