Marian handang makipaglaplapan sa kapwa babae | Bandera

Marian handang makipaglaplapan sa kapwa babae

Ervin Santiago |March 05,2015
facebook
share this

Marian handang makipaglaplapan sa kapwa babae

Ervin Santiago - March 05, 2015 - 02:00 AM

marian rivera
Napuno ng 7,000 fans ang carpark ng Gaisano Grand Mall sa Carcar City, Cebu sa Kapuso Fans’ Day ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera na ginanap noong Peb. 17.

Tuwang-tuwa ang mga Cebuano sa muling pagbisita ng very blooming na si Mrs. Dantes. Agosto pa noong nakaraang taon nang huling magpunta si Marian sa Cebu.

Isa ang 86 years old na si Lola Salud sa mga pinasaya ni Marian. Kabilang si Lola Salud sa libu-libong supporters na pumila at naghintay sa venue para masilayan lang ang idolo.

Worth it naman ang kanyang pagod dahil masuwerte siyang naimbitahan sa stage at niyakap pa ng aktres. Samantala, Jennifer Lopez naman ang peg ni Marian noong araw na iyon.

Bigay-todo siyang kumanta at sumayaw to the tune of JLo’s “On The Floor sa mall show kung saan nakasama rin niya bilang event host ang komedyanteng si Boobay.

Malapit na muling mapanood ang Kapuso Primetime Queen sa GMA Telebabad sa pamamagitan ng upcoming drama series na The Rich Man’s Daughter na nakatakdang umere ngayong Mayo kung saan gaganap siyang isang bisexual.

Inamin ni Marian na kinonsulta muna niya ang asawang si Dingdong Dantes bago tanggapin ang nasabing project. Handa rin siyang gawin ang ilang delikadong eksena kung kailangan talaga.

Aniya pa sa gagawin niyang tomboy serye, “Ang iniisip namin ‘yong mabuksan ang isip, na may ganitong klase ng pagmamahalan, na kailangan din nating irespeto at i-consider din sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending