Dong-Yan game na game nang magka-baby pero may problema | Bandera

Dong-Yan game na game nang magka-baby pero may problema

Ervin Santiago |March 05,2015
facebook
share this

Dong-Yan game na game nang magka-baby pero may problema

Ervin Santiago - March 05, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes marian
NGAYONG taon planong magka-baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya nga sunud-sunod ang ginawa nilang pagha-honeymoon para raw makabuo sila agad.

Pero ayon sa Kapuso Primetime King nang makachika ng ilang entertainment reporters pagkatapos ng presscon ng bago niyang serye sa GMA na Pari Koy, depende pa rin sa ibibigay na blessing sa kanila ng Diyos.

“Well, ang plan naman is this year, but both of us are engaged in a show. Siyempre, lahat naman ‘yan, may planning din talaga, etcetera, etcetera. “So, ngayon, e, ito ang ginagawa namin.

Pero lahat naman ‘yan magbabago depende sa dikta na ibibigay sa aming biyaya. So, everything depends on that,” pahayag pa ng mister ni Marian.

Isa naman daw talaga sa pinaghahandaan nila ay ang kanilang magiging mga anak, “Of course, of course! In fact, that’s the reason why we decided to settle down because game na game kami.”

Natanong naman si Dingdong kung ramdam na ramdam na niya ngayon na meron na siyang asawa matapos ang halos dalawang buwan nilang pagsasama nila ni Marian as husband and wife.

“Actually, noong first few days, parang pareho lang. Wala namang nagbago. Pero pagbalik namin dito (from honeymoon), siguro after two weeks, yun, naramdaman ko na unti-unti na nag-next level na.

“Alam mo na may asawa ka na. Alas-onse, inaantok na ako. Hindi ko alam kung bakit. Maaga akong nagigising, yung mga ganu’n. So, parang mas may dahilan kang bumangon araw-araw,” nakangiting kuwento pa ng Kapuso aktor.

Anu-ano pa ang nakikita niyang pagbabago sa kanila ni Marian after nilang maikasal? “Yun nga, yung mga maliliit na bagay na ganun. Medyo mas maaga kang nagigising.

Pero yung mas mahalaga sa lahat, yung motivation to work and do better things, e, nag-increase ten folds.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending