Horoscope, March 04, 2015 | Bandera

Horoscope, March 04, 2015

Madam Sophia |March 04,2015
facebook
share this

Horoscope, March 04, 2015

Madam Sophia - March 04, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang umiinit ang panahon maraming sopresang magaganap. Makipag-sapalaran, may malaking suwerteng matatanggap. Sa pag-ibig, puwede ng pag-tyagaan ang isang Scorpio. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Isang kaibigan ang humahanga sayo! Hindi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso. Upang hindi ka kainggitan, wag ka kasing post ng post ng kung ano-anong kayabangan sa Facebook. Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa payan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Om.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Panahon na upang ingatan ang kalusugan, wag masyadong matakaw. Iwasang kumain ng ng mga pagkaing hindi makakabuti sa katawan. Sa pag-ibig, kapag patuloy kang naging chubby baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Dosha-Om.” Maroon at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya! Kumilos ng tiyak at mabilis. Sa pag-ibig, gamitin ang lahat ng resources ng minamahal upang magtagumpay sa proyekto binabalak. Mapalad ang 2, 7, 14, 23, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Silver at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, habang minamahal ang kapwa lalo na iyong mga maliit, lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Pasalamatan ang mga biyayang natatanggap! Magbigay ng limos sa mga pulubi upang lalo ka pang suwertehin. Sa pag-ibig, ang ibinibigay mong masarap na halik ay gagantihan din ng mainit na halik ng kasuyo. Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kakaibang sigla ang madarama may papasok na malaking halaga ng salapi. Panahon na upang mag-bayad sa mga pinagkakautangan. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag isipin ang pagka-lugi, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kasawian. Mas magiging maligaya kung muling magmamahal ng isang Cancer. Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Maging agresibo sa pagta-trabaho, upang mas lalong lumaki ang income. Sa pag-ibig, dagdagan ng libido ang pakikipag-romansahan sa kasuyo upang muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ava-Yara-Om.” Black at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag maging maramot! Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay. Sa pag-ibig, regaluhan ng mumurahing tablet ang kasuyo. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 4, 17, 26, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung hindi mo mahal ang iyong kapareha wag mo siyang iiwan. Pahalagahan ang kasalukuyang relasyon. Sa pagpapahalaga sa kasalukuyang relasyon lalo kang susuwertehin sa lahat ng apseto ng buhay. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om Savitre.” Blue at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Bagong kalakal ang dapat na may kaugnayan sa pagkain upang tuloy-tuloy ka ng umasenso. Sa pag-ibig, itsapuwera na ang walang kuwetang kasuyo, maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Virgo. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending