Sarah naipanalo si Jason sa The Voice dahil sa patutsada ni Lea | Bandera

Sarah naipanalo si Jason sa The Voice dahil sa patutsada ni Lea

Ambet Nabus |March 04,2015
facebook
share this

Sarah naipanalo si Jason sa The Voice dahil sa patutsada ni Lea

Ambet Nabus - March 04, 2015 - 02:00 AM

jason sarah
MASASABI nga nating muling pinagana ng mga kapwa ko Popsters ang kanilang power voting capability dahil malayo ang agwat ng naging boto ni Jason Dy sa pumangalawa ditong si Alisah Bonaobra ng Team Apl sa nakaraang grand finals ng The Voice of the Philippines season 2.

Si Jason nga ang hinirang na The Voice season 2 champion, siya na ang third winner sa nasabing reality talent search after Mitoy at Lyca.

Nakakadalawa na ang team Sarah (team Lea ang first winner) kaya bonggang pruweba ito na nakakahakot talaga ng voters ang Pop Princess na hindi talaga naitago ang emosyon at sobrang suporta kay Jason matapos itong lumuhod sa harapan ng binata matapos tawaging winner.

Sa totoo lang kapatid na Ervin, mas lalong na-challenge si Sarah sa mga binitawang pahayag ni Lea na hindi dapat awa ang maging basehan (tulad ng sad story o back story na pang-MMK ng isang kalahok) dahil talent dapat ang pinaglalabanan, lalo na ang boses.

Ipinagtataka lang namin ang ganu’ng komento kasi the fact na sinala na nilang mga coaches ang mga magagaling, dapat eh, pantay-pantay talaga ang chances ng bawat isa para deserving silang matawag na The Voice champion.

Alam mo iyan kapatid na Ervin! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending