Pagkikita ng mag-amang Bong, Jolo Revilla naging emosyonal | Bandera

Pagkikita ng mag-amang Bong, Jolo Revilla naging emosyonal

|March 03,2015
facebook
share this

Pagkikita ng mag-amang Bong, Jolo Revilla naging emosyonal

- March 03, 2015 - 02:30 PM

NAGKAIYAKAN ang mag-amang Senador Bong Revilla at anak na si Cavite Vice Governor Jolo nang magkita  sa Asian Hospital Martes ng hapon.

Pinayagan ang senador na makabisita sa kanyang anak matapos  “aksidenteng” mabaril ang sarili noong Sabado ng umaga sa kanilang bahay sa Ayala, Alabang sa Muntinlupa.

Ganap na ala-1:30 ng hapon umalis ang convoy ni Revilla mula sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.

Nauna nang pinayagan si Revilla ng Sandiganbayan First Division na mabisita ang anak mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ngayong araw.

Nauna nang hiniling ni Revilla sa anti-graft court na bigyan siya ng tatlong oras na fourlough.Kasalukuyan pa ring nananatili si Jolo sa ICU matapos ang operasyon noong Linggo kung saan isang tube ang ipinasok sa kanyang katawan para i-drain ang dugo mula sa kanyang baga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending