LJ walang natanggap na Valentine gift kay JC de Vera | Bandera

LJ walang natanggap na Valentine gift kay JC de Vera

Reggee Bonoan |March 03,2015
facebook
share this

LJ walang natanggap na Valentine gift kay JC de Vera

Reggee Bonoan - March 03, 2015 - 02:00 AM

lj reyes
Dateless noong Valentine’s Day si LJ Reyes dahil may trabaho raw siya, hindi rin siya nakatanggap ng bulaklak at tsokolate mula kay JC de Vera na inspirasyon niya ngayon.

“Okay lang, saka hindi na uso ‘yan. Ha-hahaha! Maging practical na tayo. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ni LJ.
Pero binigyan naman daw siya ng bulaklak ng anak niyang si Aki.

Inamin ng aktres na hindi muna siya papasok sa isang relasyon, “Saka na, okay naman kami (JC) as friends, close kami kasi nagkasama na kami before kaya kilala ko na siya, okay kami, pero walang relasyon.”

Hindi naman itinanggi ng aktres na may pag-asa sa kanya si JC dahil kung wala ay hindi na niya ie-entertain ang tawag at imbitasyon nitong kumain sa labas, “Ipon muna, maraming kailangan pang unahin, same thing with him.”

Sabi namin malamang may ipon na si JC kasi marunong itong humawak ng pera, “Uhh, siguro,” ngiting sagot ng aktres.
As of now, focused si LJ kay Aki, balita ng aktres mature na raw mag-isip ang bagets, “Like ‘yung hindi kami magkasama sa bahay ng daddy niya, alam niya na may kanya-kanya na kaming bahay,” say ni LJ.

Maski na busy sa trabaho si LJ ay namo-monitor niya ang anak sa pag-aalaga dahil hands-on siya at sa katunayan ay hindi niya ito masyadong pinahahawak ng computer o tablet dahil ayaw niyang lumaking tamad ang bagets.

“Hindi ko siya kinukulong sa bahay, gusto ko maglaro siya sa kalsada, may mga puno kasi sa amin kaya hinahayaan ko siyang magtatakbo doon, ayoko ng nasa bahay lang siya, gusto kong maranasan niya ‘yung larong bata.

May oras ang paglalaro niya sa computer,” paliwanag ni LJ na napapanood sa afternoon series ng GMA na Yagit. Samantala, puring-puri ni LJ si Paulo Avelino dahil hindi ito nakakalimot sa pagpapadala ng sustento sa kanilang anak at sa murang edad ni Aki ay may investment na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending