Apela ni Bong na mabisita si Jolo sa Ospital dinala na sa Sandiganbayan | Bandera

Apela ni Bong na mabisita si Jolo sa Ospital dinala na sa Sandiganbayan

Cristy Fermin |March 03,2015
facebook
share this

Apela ni Bong na mabisita si Jolo sa Ospital dinala na sa Sandiganbayan

Cristy Fermin - March 03, 2015 - 02:00 AM

bong revilla
Madaling unawain ang kagustuhan ni Senador Bong Revilla na kahit paano’y masilip ang kanyang anak na si Vice-Governor Jolo Revilla na nasa ospital pa hanggang ngayon pagkatapos sumailalim sa operasyon para tanggalin ang bala sa kanang dibdib ng batambatang aktor-pulitiko.

Nagpaalam ang senador sa Sandiganbayan para madalaw ang kanyang anak, hindi ganu’n kadaling dalhin ang problemang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon, pero mukhang hindi siya pinagbigyan sa kanyang hiling.

Sobrang malapit silang mag-ama, palibhasa’y iisa ang kanilang lengguwahe bilang parehong pulitiko, kaya kapag nasa PNP Custodial Center si VG Jolo ay silang mag-ama ang palaging nagkukuwentuhan.

Nakikita rin namin du’n si VG Jolo na naglilinis ng kuwarto ng kanyang ama, kung minsan nga’y silang dalawa ang magkatulong na nag-aayos sa kama, naghihilahan sila sa magkabilang gilid para mailatag ang bed sheet.

Parang nakikini-kinita na namin ang sobrang pag-iintindi ngayon ng senador, siguradong hindi na naman siya mapakali sa kaiikot sa maliit na bakurang kinaroroonan nila ng kanyang kaibigang si Senador Jinggoy Estrada, magkasakit nga lang ang kanilang mga anak at apo ay sobra na ang kanyang pag-aalala.

Dagdag na lakas ng loob pa ang hiling ng marami nilang tagasuporta, harinawang malampasan nila ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay ngayon, sana’y matapos na ang lahat isang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending