Makapag-aasawa pa ba? (2) | Bandera

Makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield |March 03,2015
facebook
share this

Makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield - March 03, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lannie ng Lasang, Riverside,  Davao City

Problema:

2. Mula ng mag-college ako at nakatapos ng college ay madalang ang nanliligaw sa akin. Isang beses lang ako nagka-boyfriend at ito ay noong high school pa ako pero hindi seryoso at hindi na rin nasundan ng iba pang lalaki.

3. Sa ngayon ay umabot na ako sa edad na 34 at natatakot po akong tumandang dalaga at hindi na makapag-asawa, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-asawa pa kaya ako? Kung makapag-aasawa pa, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko at kailan ko kaya siya makikilala? September 16, 1980 ang birthday ko.

Umaasa,
Lannie Davao City
Solusyon/Analysis:
Numerology:

Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangasawa ay isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29, at magaganap ang inyong pagtatagpo sa isang lugar kung saan ka nagtatrabaho.
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn ang iyong mapapangasawa, at siya ay makikilala mo sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Abril.
Color Test:

Upang lalo kayong suwerte sa panahong kayo ay nagsasama na ng lalaking mapapangasawa, lagi kayong gumamit ng kulay na berde at pula. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy ang suwerte at pang habang buhay na ligaya.

Physiognomy:

Ang chinitang hugis ng iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking may balingkinitan ang pangangatawan na mas matangkad o mas mataas sa iyo ang iyong mapapangasawa, sa una hindi mo siya masyadong magugustuhan, ngunit habang tumatagal ang inyong relasyon, dahil mabait naman siya, tuluyan na ring mahuhulog ang iyong loob sa kanya, hanggang sa humantong na nga sa pagtatakda ng inyong kasal.
Huling payo at paalala:

Lannie ayon sa iyong kapalaran, hindi ka maiinip, sa halip sa taon ding ito ng 2015 darating na ang lalaking pinakahihintay mo at ito ay magaganap sa buan ng Abril, sa edad mong 34 pataas, kung saan, matapos ang humigit kumulang sa isang taong relasyon, sa susunod na taong 2016, sa buwan ng Oktubre sa edad mong 35 pataas, magaganap na ang inyong pagpapakasal na hahantong sa isang masaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending