Maja payag magbalikan sina Gerald at Kim | Bandera

Maja payag magbalikan sina Gerald at Kim

Ervin Santiago |March 03,2015
facebook
share this

Maja payag magbalikan sina Gerald at Kim

Ervin Santiago - March 03, 2015 - 02:00 AM

maja salvador
KUNG si Maja Salvador ang tatanungin, malapit na malapit nang bumalik sa dati ang relasyon nila ng dating best friend na si Kim Chiu.

Inamin ni Maja na kahit noong kasagsagan ng isyu sa kanila ni Kim nang dahil kay Gerald Anderson ay hindi niya ito itinuring na kaaway ang dalaga.

Sa interview ng The Buzz kay Maja, pina-rate sa kanya from the scale of 1 to 10 (10 is the highest) ang friendship nila ni Maja, “Siguro eight. Kasi sobrang special pa rin sa akin si Kim.

Pinaparamdam ko pa rin naman ‘yun sa kanya. In time, kung dumating ‘yung panahon na kung pwede lang mabalik talaga lahat-lahat, sobrang gusto ko.”

Pero kahit nagkabati na sila, hindi pa rin sila madalas na nagkakausap o nagkikita, “Wala lang kaming mga texts or tawagan pero kapag nagkita kami, sobrang okay talaga.”

Inamin din ni Maja na matagal na niyang gustong mag-sorry kay Kim nang personal matapos silang magkagalit, “Gusto ko siyang kausapin nu’ng panahon na ‘yun, pero sobrang walang chance kasi sarado, as in sarado.

Tinatanong ko sa sarili ko, ‘Bakit nangyayari ito ngayon?’” Sa tanong kung totoong mas pinili niya si Gerald bilang boyfriend kesa sa pagkakaibigan nila ni Kim, “Hindi naman siguro ginive up ‘yung friendship.

Parang hindi naman ako nagkaroon ng chance na mamili. Parang dumating na lang ako sa ganoong sitwasyon na nandoon na. Wala na akong chance mamili.”

Wala ring problema kay Maja kung maging magka-loveteam uli ang boyfriend niyang si Gerald at Kim, “Okay ako kasi ang dami pa rin nilang fans. Iba din kasi talaga ‘yung chemistry nila.

Kailan lang nag-pictorial sila ng endorsement nila, iba pa rin ‘yung chemistry nila.”  Samantala, naghahanda na rin si Maja para sa susunod niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bridges Of Love kung saan makakasama niya sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

Sey ni Maja sa presscon ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners na kanyang ine-endorse, ito na raw ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya sa TV.

Sa teaser kasi ng serye, makikitang nagsasayaw si Maja na halos hubad na, sey nga ng dyowa ni Gerald, “Ibang-iba talaga ito sa mga nagawa ko in the past.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga excited na ako dahil may io-offer na naman kaming bago sa manonood. Kaya sana suportahan nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending