Horoscope, March 03, 2015 | Bandera

Horoscope, March 03, 2015

Madam Sophia |March 03,2015
facebook
share this

Horoscope, March 03, 2015

Madam Sophia - March 03, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil nalalapit na naman ang Mahal na Araw magandang simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-12 araw. Mapalad ang 4, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Blessing in disguise ang magaganap. Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit na yumaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa darating na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Upang lumigaya maging praktikal sa lahat ng bagay. Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip ang paganahin, makikita mo, liligaya ka at uunlad. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas
Gemini – (May 21-June 21)—Tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan – ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal, walang ibang maasahan kundi ang kasuyo mong uto-uto, kaya dapat na mahalin mo siyang mabuti. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag maging sentimental! Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan sa ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.”Beige at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag mahirati sa lipunan kung hindi ka rin naman madadagdagan ang iyong income. Sa pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkaka-galit lang kayo. Para magkapera umoo ka lang ng umoo sa kanya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Green at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganon din para umunlad, mas mabuting ilaan ang maraming oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Green at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay. Simulan mo ng mag-savings ngayon, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag maging tamad! Dagdagan pang lalo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mahulog na ng husto ang loob nya sa iyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Upang kimita ng malaking halaga ngayong tag-araw at sa nalalapit na graduation day mag-isip ng negosyong may kaugnayan sa nasabing okasyon. Sa pag-ibig, wag maniwala sa mga tsismis, isa lang ang dapat paniwalaan – ang kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Om-Krisna.” Silver at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang suwertehin sa larangan ng salapi ngayon palang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera sa sandaling tumama ka ng jackpot sa lotto. Sa ganyang paraan, masasagap ng “unconscious mind” mo ang malaking panalo. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag magtataray, dahil sa bandang huli tatarayan ka rin ng kapalaran. Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Ituloy ang binabalak na paglalakad. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod malaking suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, habang naglalakad mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang masasagap. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending