Bong, Jodi sinisi sa pagkabaril kay Jolo Revilla | Bandera

Bong, Jodi sinisi sa pagkabaril kay Jolo Revilla

Cristy Fermin |March 02,2015
facebook
share this

Bong, Jodi sinisi sa pagkabaril kay Jolo Revilla

Cristy Fermin - March 02, 2015 - 02:00 AM

bong jolo
Dahil sa aksidenteng pagkabaril ni Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang kanang dibdib habang naglilinis siya ng baril ay kung anu-ano na namang ispekulasyon ang naglulutangan.

Depresyon daw ang ugat ng pangyayari, sobra na raw ang umaatakeng depresyon sa aktor-pulitiko dahil sa pagdidiin sa kanyang amang nakapiit ngayon, kaya pinagdiskitahan niyang saktan ang kanyang sarili.

May isyu rin na nagkahiwalay na raw sila ni Jodi Sta. Maria at hindi ‘yun matanggap ni VG Jolo, kaya hindi aksidente ang nangyari, talagang sinadya niyang magbaril sa kanyang sarili.

Pero kung kilala nga namin nang personal ang anak nina Senador Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado ay mas gusto naming paniwalaan na aksidente lang ang lahat.

Buung-buo ang loob ni VG Jolo Revilla, natutuhan na niyang tanggapin ang mga paghamon sa kanilang pamilya, lalo na ngayong mga panahong ito na sama-sama silang nagdarasal para sa maagang paglaya ng kanilang padre de pamilya.

Ang mahalaga ay ligtas si Vice-Governor Jolo Revilla, sabi nga ng isa nilang tagasuporta, “Maya is taking care of her real Sir Chief.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending