Sa abroad susuwertehin (2) | Bandera

Sa abroad susuwertehin (2)

Joseph Greenfield |March 01,2015
facebook
share this

Sa abroad susuwertehin (2)

Joseph Greenfield - March 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nelissa Calagundian, Mati, Davao Oriental
Problema:
1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho. Puro contractual at pansamantala lang kasi ang laging napapasukan ko simula ng gumadweyt ako ng HRM. Nahihiya na tuloy ako sa mga magulang ko, kadalasan imbis na ako ang magbigay ako pa ang binibigyan nila ng allowance.
2. Sabi ng nanay ng nanay ko mag-aplay na lang daw ako sa abroad at baka ako doon suwertehin, pero natatakot po ako. Ano sa palagay nyo kapag kaya sa abroad ako nag-trabaho makakatagpo kaya ako doon ng magandang suwerte at iniisip ko ring baka doon din ako magkaroon ng boyfriend? June 14, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Nelissa ng Davao
Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang Libra makapag-aabroad ka at sa walang habas o walang tigil na pagpapabalik-balik sa ibayong dagat, mabilis na uunlad ang inyong buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing kapag natuloy ka na sa abroad, kailangang matuto kang magsinop ng kabuhayan. Ibig sabihin ay magtipid at maglaan ng salapi para sa iyong future. Sa ganyang paraan, dahil marunong kang mag-ipon, kapag natapos na ang magandang kapalaran sa abroad, negosyo naman ang magiging kasunod na may kaugnayan sa tindahan.
Luscher Color Test:
Upang magtuluy-tuloy ang suwerte at positibong kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na gray, silver at puti. Ang nasabing kulay ganoon din ang silver na alahas ang lalo pang hahatak ng suwerte at pagyaman.
Huling payo at paalala:
Nelissa, ika nga “Mothers knows best” – napaka-ganda ng advice sa iyo ng nanay mo na mag-abroad, sapagkat iyon din nga ang nakikitang takdang kapalarang matutupad sa
iyong karanasan, at ito ay nakatakdang mangyari sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa edad mong 25 pataas – sa isang bansa sa Asia, tiyak na ang magaganap, may isang mabunga, pabalik-balik at maunlad na pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran na magiging daaan upang ang buhay n’yo ay unti-unti ng sumagana at umunlad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending