Alex: Ako ang pumili ng Wedding Gown ng Ate ko! | Bandera

Alex: Ako ang pumili ng Wedding Gown ng Ate ko!

Reggee Bonoan |March 01,2015
facebook
share this

Alex: Ako ang pumili ng Wedding Gown ng Ate ko!

Reggee Bonoan - March 01, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga
NAKU, lagot si Alex Gonzaga sa ate Toni niya dahil mas una pa niyang ni-reveal kung sino ang tatahi ng wedding gown nito sa nalalapit na kasal nila ni direk Paul Soriano.

Sobrang saya kasi ni Alex habang iniinterbyu namin siya pagkatapos ng presscon para sa kanyang first major concert na “The UnExpected Concert” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Abril 25.

Kaya pasimple naming tinanong kung sino ang gagawa ng wedding gown ni Toni at kaswal niyang sinabing VW ang initials na kaagad namang binanggit ng katotong Mylene de Leon ng The Buzz na “Vera Wang.”

At marahil ay naisip ni Alex na naibuking niya sabay sabing, “Hindi, Veng (Bing) Wristodio (Custodio),” sabay tawa ng malakas ng dalaga. Pero huli na dahil nasabi na niya kaya kinukulit namin kung paano ang istilo at kung naisukat na ni Toni ang gown at nabanggit ulit ni Alex na siya mismo ang pumili.

“Kasi nagtitingin siya, tapos may sinukat siya, sabi ko, hindi maganda ‘yan, heto sukat mo, hayun, bumagay, siyempre ako bida,” parang batang nagkukuwento ang dalaga at sabay sabing, “Naku, lagot ako, kayo talaga, ikaw kasi (sabay sisi sa amin).”

Idinagdag ni Alex kung paano nila nakontak si Vera Wang, “Tinawagan siya tapos from Hong Kong pina-ship sa Pilipinas.”
Pasimple naming tinanong si Alex kung kailan ang kasal, “Ay hindi ko na alam. Ha-hahaha!”

Samantala, nagtaka si Alex kung bakit namin siya tinanong ng, “Nagkakape ka ba?” Seryoso naman kaming sinagot ng dalaga ng, “Hindi, ate Reggee, bakit?” Na sinagot naman namin ng,  “Wala ka kasing nerbyos. Imagine sa Big Dome ka magko-concert?”

“Ha-hahaha! Ikaw talaga ate Reggee, inaaway mo ako, wala kang bilib sa akin?” humalakhak na sabi ni Alex. Sa totoo lang, bilib kami kay Alex dahil ang lakas ng loob niyang gawin ang lahat ng bagay lalo na sa hosting at pag sumablay ay ang galing niyang lumusot kaya nga tawang-tawa sa kanya si Luis Manzano na aminado ring nakakita siya ng katapat niya.

Hindi namin kinukuwestiyon si Alex pagdating sa hosting at acting dahil nakita na namin ang kakayahan niya. Ang pagkanta na lang ang hindi pa namin masyadong napapanood kasi naman puro lang naman siya kalokohan sa segment niyang KaraOK sa ASAP 20.

Inamin din naman ng dalaga na talagang tinanggihan niya ng dalawang beses ang alok ng producer niyang si Joed Serrano, “Ilang beses po ako nag-no, mga twice, but since maganda naman ‘yung alok at ‘yung faith na ibinigay sa akin ni Joed at na-convince na rin naman ako, everyday naman nagpi-pray ako kay Lord and, so whatever happens sabi ko bahala na sa lahat ng mangyayari.

“E, nangyari naman lahat, pati daddy ko, na-convince, so nag-pray ako at sabi ko, ‘Lord, kung hindi po ito meant, stop n’yo po at okay lang naman sa akin, sa amin,’ e, so far po, tuluy-tuloy naman po, so yes, I’m positive naman po na it’s a blessing from God at nagpapasalamat po ako, dumating si kuya Joed,” pagtatapat ng aktres.

Pinapanood daw ngayon ni Alex ang concert video nina Beyonce, Mariah Carey, Celine Dion at Whitney Houston. Akala nga raw ng ate Toni ni Alex ay hindi naghahanda ang kapatid.

“Kasi dumating siya nakahilata ako sa kama, sabi niya, ‘Ano wala ka bang paghahanda, parang hindi ka magko-concert? Hindi ka man lang mag-exercise, mag-swimming, mag-treadmill?’ kasi nga po kailangan ko talagang gawin for my energy,” sey pa ng dalaga.

“Sabi ko sa ate ko, ‘magsu-swimming at 2 a.m.? Puwedeng bukas na? Kaya kinabukasan po, nag-swimming ako, nag threadmill ako, sinunod ko naman po siya,” sey pa ng dalaga.

Hindi ba natatakot si Alex na baka may mang-bash sa kanya dahil sa lakas ng loob niyang mag-Big Dome. “Alam n’yo po, lahat naman ng gagawin natin, may magki-criticize sa ‘yo, so parang ano na lang, just let the bashers be bashful, parang mahiya na rin sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi ko na lang iniisip ‘yun, kasi kung may magba-bash, at i-check mo naman kung ilan ‘yung nagmamamahal at sumusuporta sa ‘yo, e, mas marami naman pala, sobrang dami. Parang OA na nga kung maapektuhan ka pa,” paliwanag ni dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending