Horoscope, March 01, 2015 | Bandera

Horoscope, March 01, 2015

Madam Sophia |March 01,2015
facebook
share this

Horoscope, March 01, 2015

Madam Sophia - March 01, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Marso. Sa pagsisimba, magsuot ng yellow na damit upang maakit ang suwerte sa salapi at pag-ibig. Kung sawa na sa yellow, suwerte rin ang black at green. Mapalad ang 4, 19, 25, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit”.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang kasuyong Leo. Sa pinansyal, mas magiging magaang ang pasok ng pera kung wala kang kagalit. Mapalad ang 3, 15, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa pag-ibig, kahit na sobrang busy ang schedule gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Capricorn dahil lamang sa pera. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa pag-ibig, wag pumatol sa mga tsismis dahil ito ang sisira sa iyo at magbibigay ng malaking problema. Sa pinansyal, wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil sa buwang ito ng Marso, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 33 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Tulad ng dati kakapusin na naman sa pera. Higit mong kailangan ngayon ang suprota ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, wala na talagang maaasahan sa kasuyong tatamad-tamad. Palitan na siya, maghanap ng isang masipag na Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Bigyan mo uli ng pagkakataon ang puso upang umibig, kung hindi sige ka baka tuluyang mawala ang dapat sana ay sa iyo. Sa pinansyal, muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Bago magpasarap unahin muna ang trabaho at responsabilidad. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas okey ng makapagre-relaks. Sa pag-ibig, bitbitin ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal sa darating na summer vacation. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa pag-ibig, wag kang magtiwala ng labis sa mga isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26 sila ang maaaring magpahamak sa iyo. Sa pinansyal, nasa mga taong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang suwerte mo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Ganoon talaga ang pag-ibig, kahit ilang ulit at ilang beses ka pang masaktan, siya pa rin ang tinitibok ng iyong puso. Sa pinansyal, mag-ipon ng maraming pera at magpayaman, upang muling bumalik sa iyo ang kasuyong nagtatampo. Mapalad ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng mga kasamahan dahil naiingit lang sila sa iyo. Sa pinansyal, ituloy mo lang ang mga gawaing pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag magpaapekto sa mga tsismosa. Mapalad ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Panahon na upang dagdagan pa ang oras sa paggawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tanggihan muna ang mga wala sa lugar na lakwatsa. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Higit mong kailangan sa mga panahong ito ang kalinga at pagmamahal mula sa ka-opposite sex. Kapag kasi may dumating wag ka ng maging pihikan, sunggaban agad. Sa pinansyal, aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Magkakatotoo na ang iyong mga pangarap basta’t wag lang magpabago-bago ng isip at pagpapasya. Mag-concentrate sa dalawang larangan lamang – pagkakaperahan at maligayang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending