Jam Sebastian biglang nagising, nag-I Love You sa madlang pipol | Bandera

Jam Sebastian biglang nagising, nag-I Love You sa madlang pipol

Ervin Santiago |March 01,2015
facebook
share this

Jam Sebastian biglang nagising, nag-I Love You sa madlang pipol

Ervin Santiago - March 01, 2015 - 02:00 AM

 

vice ganda

TILA isang himala para sa pamilya ng dating YouTube sensation na si Jam Sebastian ang sandaling paggising nito at pagmumulat ng mata matapos itong malagay sa kritikal na kundisyon sanhi ng kanyang stage 4 lung cancer.

Ayon sa kanyang fiancee na si Mich Liggayu, halos maiyak sila sa sobrang katuwaan nang makita nilang nagmulat ng mata si Jam. Sa kanyang Facebook account, ibinalita ni Mich ang magandang balita.

“Biglang nagising si Jam ngayon. Naging malinaw ‘yung eyes niya. Tinanong ko siya kung anong feeling kung parang bagong gising lang ba na biglang may energy, nag-nod siya. Oo daw.

“Di pa siya makasalita kaya humingi kami ng pen and paper. Kasi baka may gusto siya sabihin. Ayan sinulat niya para samin lahat,” ani Mich. Ipinost din nito sa FB ang papel kung saan isinulat ni Jam ang kanyang mensahe.

Ilang sandali lang ay nag-post uli si Mich sa kanyang FB ng, “Gising si Jam ngayon. Nakakausap namin siya and mas alive siya ngayon. Cool! Nakakapag sulat siya ulit.

And nakaka type sa phone. And mas nakakapag interact siya samin ngayon compared sa kahapon. Thank you sa prayers niyo Loves!”

Kasabay nito, nag-post din ng message sa Facebook ang tatay ni Jam, “He is awake now. Interacting to all that’s around him. My God! He is saying he loves us.

He is now wide awake. Looking at us one by one. He looked at me with both eyes opened and smiled. Tears poured out but I’m happy.”

Maging ang kapatid ng binata na si Yexel Sebastian ay hindi mapigilan ang excitement sa biglang paggising ni Jam.
“Almost 24 hours na natulog si Jam. Ngayon nagkamalay sya parang milagro na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naisulat pa nya to grabe lang I love you yan na may smiling face. At parang gusto nyang iparating sa ating lahat na dont loose hope,” ang mensahe niya sa FB.

Patuloy namang nakikiusap ang pamilya ni Jam na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para tuluy-tuloy nang bumuti ang kundisyon ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending