Ikatlong sunod na panalo asinta ng Kia | Bandera

Ikatlong sunod na panalo asinta ng Kia

Barry Pascua |February 28,2015
facebook
share this

Ikatlong sunod na panalo asinta ng Kia

Barry Pascua - February 28, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Tubod, Lanao del Norte)
5 p.m. Kia Carnival vs Blackwater

FRANCHISE-BEST na ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Kia Carnival sa pagkikita nila ng kapwa expansion franchise Blackwater Elite sa isa na namang Petron out-of-town game ng 2015 PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5 ng hapon sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.

Ang giant-killer na Kia Carnival ay galing sa back-to-back na panalo kontra sa defending champion Purefoods Star (95-84) at Talk ‘N Text (106-103) at may 3-4 record. Nauna nilang tinalo ang reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer, 88-78, noong Pebrero 4.

Ang Blackwater ay may isang panalo sa pitong laro. Tinalo rin nila ang San Miguel Beer, 80-77, noong Pebrero 11.

Sa unang dalawang panalo ng Kia ay nakakuha sila ng magagandang numero buhat sa guwardiyang si LA Revilla na naparangalan bilang Best Player of the Game.

Laban sa Tropang Texters, nagbida naman para sa Kia si Hyram Bagatsing na nagtala ng career-high 21 puntos buhat sa six-of-seven 3-point shooting.

Matindi rin ang naging kontribusyon ng 7-foot-3 Puerto Rican import na si Peter John Ramos na nagkulang lang ng isang assist para sa kanyang kauna-unahang triple-double. Nagtapos siya na may 24 puntos, 25 rebounds at siyam na assist.

Malaki rin ang posibilidad na maglaro sa huling pagkakataon si playing coach Manny Pacquiao bago siya tuluyang lumisan para sa Estados Unidos upang simulan ang paghahanda para sa kanyang laban kontra Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending