Alex Gonzaga: Si Ariana Grande ang kamukha ko! | Bandera

Alex Gonzaga: Si Ariana Grande ang kamukha ko!

Ambet Nabus |February 28,2015
facebook
share this

Alex Gonzaga: Si Ariana Grande ang kamukha ko!

Ambet Nabus - February 28, 2015 - 03:00 AM

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

KAHIT gaano kaseryoso ang tanong mo kay Alex Gonzaga, nasa personalidad na niya talaga ang sumagot ng akala mo’y nagbibiro at nagpapatawa lagi.

Kumpara dati, mas nailalabas na ni Alex ang kanyang very outspoken personality at ramdam mo na yung kakaiba niyang confidence unlike before na parang naiilang at nagpipigil pa siya.

Gamay na gamay na rin niya ang mga kasamahan sa panulat at media kaya imbes na mairita ka sa walang kapararakang mga sagot niya o paliwanag, matatawa ka na lang sa pagloka-lokahan niya.

Magkakaroon na ng concert si Alex entitled “AG From The East: The Unexpected Concert” sa Big Dome on April 25. Yes, mereseng nagtaasan ang kilay ng lahat, sa Araneta nga niya gagawin ang concert na inilarawan niyang kakabog sa lahat in and out of showbiz pati na sa pulitika.

Sa dami nga ng mga unexpected stuff na paulit-ulit niyang sinasabi, wala kaming ma-mention dito sa inyo maliban sa sikat na sikat gagawin niya ang famous “KaraOK” segment niya sa ASAP, gagayahin daw niya ang kamukha niyang si Ariana Grande (na ka-initial niyang AG), may Beyonce medley siya at meron ding live love counselling.

Paulit-ulit din niyang ipinagmamalaki ang bonggang-bongga na opening production number niya na never pa raw nagawa sa concert history sa bansa.

Wala siyang plano na mag-lay low sa ASAP o sa anumang ginagawa niya sa showbiz to prepare her more sa pangarap ng marami na makapag-stage ng show sa Araneta dahil aniya, “Matagal na akong ready!” Ha-hahaha! Ikaw na talaga, Alex!

Well, kung lakas ng loob lang din ang pag-uusapan, walang-wala ang sister niyang si Toni Gonzaga kay Alex na aniya pa,

“Pinag-iisipan pa namin kung iimbitahan namin siya sa show ko. Mas gusto kasi niyang manood na lang sa mga gagawin ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending