Julia ang bagal ng pagsikat, talbog kay Liza | Bandera

Julia ang bagal ng pagsikat, talbog kay Liza

Ambet Nabus |February 27,2015
facebook
share this

Julia ang bagal ng pagsikat, talbog kay Liza

Ambet Nabus - February 27, 2015 - 08:37 PM

JULIA BARRETTO AT LIZA SOBERANO

JULIA BARRETTO AT LIZA SOBERANO

All is well that ends well na nga sa mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto.

Pinag-uusapan nga this week ang naganap na pagbabati ng dalawa matapos mismong puntahan ni Julia ang ama sa dressing room ng isang show sa ABS-CBN at doon nga nakapag-usap ang dalawa.

Siyempre happy tayo sa development na ito lalo pa’t ang anak na ang nagkusang lumapit sa ama na dati raw ay takot nitong gawin.

Balita ring inimbita ni Julia ang ama sa nalalapit nitong debut na ngayon nga ay iniintriga na gagastusan umano ng kasalukuyang partner ng kanyang inang si Marjorie Barretto. Nakakaloka di ba, pagkatapos na masarhan ang isang iskandalo, heto at may panibagong ingay na naman sa kanyang debut?

Ang lahat ngang ito ay naganap matapos na mapabalitang nagkaka-imbyernahan ang magkapatid na sina Gretchen at Marjorie, matapos magpahayag ng opinyon ang una na gandang-ganda siya kay Liza Soberano, ang sinasabing kaliga ni Julia bilang promising young actress ng ABS-CBN.

Pinag-uusapan din kasi na dahil mas unang ni-launch si Julia (katandem din si Enrique Gil na close rin kay Greta), eh tila naungusan siya ng mas baguhang si Liza?

Hay, kami rin ay nagtatanong, may angking ganda at talent din naman si Julia, pero bakit tila mabagal ang pag-usad ng kasikatan nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending